Friday, August 03, 2007

A



February 4 - 10, 2007
Oplan BP


2/7/07 Nagising ako ng 4:05 ng madaling araw. Nag-init ako ng tubig. Gumising na ang tatay ko. Naghanap ng kamatis para sa itlog na maalat. Wala. Habang naliligo ako, tinanong ng tatay ko ang nanay ko kung sasabay ba siya. Kung hindi raw, e iiwanan na siya. Nang kumakain n ako ng agahan, sabi niya iwanan na raw namin siya dahil ayaw niyang ma-pressure. Nung nagbibihis na ako, biglang humirit ng bakit raw namin siya iiwanan? Sabi ko, tatay ko lang ang nagsabi noon. Pera naman daw niya ang ginagasta sa kotse. Ano'ng oras daw ba kami dapat nandoon (sa venue). Bago mag 7:30. 'Yun naman daw pala, e. Sabi ng mga kasabay ko, magkikita-kita raw kami sa Santolan station ng 7. Dumating ako sa Legarda station ng 6:30. Pag-akyat ko sa taas, sarado 'yung ibang vending machines. Bukas pala 'yung mahigpit sa hagdan. Nagpasok ako ng P20 sa autofeed slot. Nahulog ang P6 coins, mainit-init pa. Sumakay na ako ng tren. Kaaalis lang ng Pureza station nang mag-text si Sheena kung ano'ng isusuot. TO BE CONTINUED...


~~Picture-istic~~

Kakashi Unmasked

Kudos to Tippie





~~Blessings~~

2/4/07 pansit malabon
2/5/07 nanganak ang aso naming si Faith (5), Baklese: Pinoy Pop Queer Dictionary

2/6/07 tigidong lyrics
2/7/07 kutsinta

No comments: