Sunday, September 04, 2005

D

D is for Da Best


8/26/05 Nanalo kami sa volleyball: green team vs. blue team. Member ako ng green team. Syempre, green-minded, e. Di ako makapaniwalang nanalo kami. Ayaw akong lapitan ng bola. Naka-apat na service ako & isang volley. Nangawit din naman ako sa pagtayo. Naramdaman ko 'yon nang maglakad kami papunta sa barangay (earnshaw health center). Sabi ko, nanalo kami kasi tumayo lang ako / wala akong nagawang kagila-gilalas. 'Di katulad ni Queenie, nagkapasa (ayoko rin namang magkapasa, no? & saka mabuti nga sa kanya. tang ina nya, pag kinakausap mo di ka papansinin. niyuyugyog mo na wala pa rin.). 'Yung 3 service ko, walang naka-volley. Pero nagka-points kami. Ako raw ang kanilang secret weapon *joke*, pero parang ganun na rin. Ako raw ang best, parang pambato. 'Di kaya nire-reverse psychology lang nila ko? 'Di ba insulto 'yon? Ate ang tawag nila sa akin. Ilang taon na raw ba ako? Sabi ko, 18 - pero parang grade 6 lang - 13. E, may mas matanda pa pala sa akin, e.





D is for Death


Namatay ang tatay ni Teepee (Kristina J. Cillo), si Ric-ric, last week. Nabundol daw ng tricycle & baka nabagok ang ulo. Bata pa ang tatay ni Teepee kaya nakakapanghinayang ang mamatay siya. Nagtatrabaho ito sa printing press. Nakisakay raw ito sa motorsiklo ng ka-opisina nito. Nabangga raw sila ng tricycle. Wala siyang helmet kaya 'di sya nakaligtas.

Paano na kaya ang mga anak niya? Lima silang magkakapatid, yung isa nag-asawa na. Sana nakagraduate na si Reggie para meron namang nagtatrabaho sa kanilang mga magkakapatid & abutan naman sila ni Geraldine. Ang tatay lang kasi nila ang nagtatrabaho sa pamilya nila.
Pumunta kami nung isang linggo sa burol. Ayaw ko sanang pumunta, pero nakakahiya naman daw kung di ako pupunta. Naawa ako sa nanay ni Teepee. Gusto nang tumulo nang luha ko nang makita ko siya. Parang stressed-out na stressed-out siya. Parang ang tagal na niyang umiiyak. Niyakap ko si Teepee. Sabi ng nanay ko, parang tulala ang dati kong kalaro. Ayaw ko sana siyang makita kasi mas mature na siya sa akin & baka hindi na kami magkasundo sa maraming bagay, pero naisip kong kailangan niya ng karamay. 'Di ko napigilang maiyak. Naaawa talaga ako sa kanila. Masalimuot talaga ang buhay. Hindi mo alam kung kailan & paano ka mamamatay (sorry for the term). Mabuti pa nga raw na mamatayan ka ng mahal sa buhay dahil sa sakit, kasi alam mo na ang dahilan ng napipintong kamatayan. Condolence. Vaya con Dios. Rest in Peace.






D is for Debut


Sa lahat ng mga nagdebut & magdedebut, NO OFFENSE MEANT po.

18 na po ako ngayong 2005. Debut, debut, debut. Nag-celebrate ba ako nito? Nagdudumilat na hindi. Bakit? Kasi po, mahirap lang kami. At parang hindi rin naman praktikal ang mag-debut ako kasi wala namang pupunta. Marami pang mas mahalagang bagay na dapat pagkagastusan bukod doon. Gusto ko mang makapagsuot ng gown ay wala naman akong pambili o pangrenta nito. Sabi ko nga, bakit ba kailangang mag-debut? Hindi ko maintindihan kung bakit mayroong mga taong gumagasta ng napakalaking halaga para doon. Sabi ng tatay ko, shunga ko raw. Wala raw akong alam sa mga bagay na yon dahil wala akong pera / mahirap lang ako. Kung mayaman ka, ano'ng gagawin mo sa pera mo? Sabi ko, e di ipapamigay. Kung mayaman daw ba ako, e ipapamigay ko raw ba ang pera ko? Sabi ko, oo (teka, paano naman ako mamimigay ng pera e malabo naman akong yumaman T_T).

Define debut
+ isa itong malaking pagkakagastusan (barya lang sa mga rich kids & buhay na sa mga poor)
+ wala lang
+ isang magandang oportunidad para makapangolekta ng (mamahaling?) regalo
+ isang pangyayaring may kaplastikan dahil sinasabi raw ang mga magagandang katangian ng debutante sa interview (kahit di totoo?) (teka, sa libing sinasabi yun, a).
Ano bang espesyal kung 18 years old na ang isang babae (oo, babae ako(?))?
* pwede na siyang magboyfriend (hay, naku! kailan ka ba ipinanganak? kahit nga yata fetuses, may boyfriend na, e.)
* pwede nang mag-asawa (kasi legal-aged na)
* pwede nang mag-drive (makabundol, makabangga, & makasagasa)
* kailangan mo nang bumoto (lalo na kung registered ka na. kung hindi, ikukulong ka)
* pwede nang ma-involve sa mga bagay-bagay na for 18 years above
* pwede nang pumasok sa mga bars & moviehouses for adults
etc.

Alam n'yo ba kung bakit walang nag-iimbita sa akin sa debut nila? Kasi mahirap lang ako (wala akong pambiling regalo, pambili o pang-renta ng gown - buti nalang, alam nila.), alam nilang di ako pupunta (it depends, kung close tayo o malapit ang venue), & di nila ako kilala o makontak. Wala namang masama sa debut. 'Wag mo nga lang pahirapan ang mga magulang mo sa paggastos. Sabi ko na lang sa sarili ko, mabubuhay pa rin naman ako nang normal kahit di ako nakapag-debut. 'Di naman yan uso noong unang panahon. 'Di naman nag-debut ang nanay ko. 'Di kayang baguhin ng debut ang buhay ko.
Wala na akong maidugtong, e. Ceasefire na raw, sabi ng utak ko. Utak, utak? Meron ba?
Forgive me for my harshness



~~Picture-istic~~
Kazuki & Juubei