Wednesday, June 28, 2006

N

May 7 - 13, 2006
N is for Namasyal
5/7/06 Nagpunta ako sa Our Home sa 2ng floor ng SM City Bacoor. Ang mamahal ng mga throw pillow - P300 ang isa. Ang cute nung isang furniture set. May malapad na square table. May 2 upuan sa magkabilang corners & 2 closet sa tabi ng magkabilang corners. Mayroon ding leatherette & velvet sofas. Nakakaadik ang amoy ng mga scented candles. May lamp o ilaw & drawers sa headboard ng ibang bed sets. Astig 'yung ibang kutson - parang sa akin isinukat. Halos isang dipa ko & kalahati ang sukat ng maliliit na kutson (1 dipa = height ng isang tao). Mayroon ding mga kurtina. Astig din 'yung posturepedic mattress - ang kapal & ang daming layers ng kung anu-anong materials. Makapal ang kamang 'yon para hindi maramdaman ng hihiga ang mga spring. Meron ding mga double deck. Wala na 'yung pangarap kong double deck: higaan ang taas & study table sa baba. Meron ding mga tables & chairs. 'Yung isa, ginagamit yata sa barberya/parlor.


N is for Negotiation

5/9/06 Pinagalitan ako ng nanay ko dahil umalis ako sa faculty room kahit sinabi niyang huwag akong umalis. Naiinip na kasi ako kaya naggala ako & naghanap ng kaklase. Tiningnan ko ulit 'yung bulletin board na may pictures ng DLB sa barangay sa 4th floor. Nakita ko sina Lorraine & Camille na nag-uusap & nakaupo sa hagdan. Pinag-uusapan nila si Gaile. Galing sina Camille, Kristina, Gaile, & ang San Anton Mafia sa Puerto Galera noong weekend. Daumating si Lesler. Nag-usap kaming tatlo nina Jerome. Galing din sa Puerto Galera si Lesler. Ang dami raw naka-goggles doon. Maalat daw kasi ang tubig & masakit sa mata kaya kailangang mag-goggles.Ikinwento ni Jerome na nag-fly fish & banana boat sila. Nahulog daw si Billy sa banana boat. Masakit daw sa katawan ang fly fish. Pagbalik ko, nandoon na ang nanay ko. 'Yun nga, nagalit. Wala ang tatay ko para ipag-drive kami. Alas-3 daw ang schedule ng interview. Dumating kami ng mga 3:10 o 3:15. Hindi naman talaga interview 'yon. Kinausap lang kami ng dean ng College of Nursing. Na-credit naman 'yung AHSE. Kung nag-summer daw ako ng summer subjects ng nursing, makakapasok daw ako sa June bilang regular 3rd year. Sabi kasi nila, uul;it daw ng 2nd year ang sinumang gustong mag-transfer. Hindi naman nila sinabi na kailangan lang mag-summer. Hindi na-credit 'yung Filipino 113. Filipino 112 ang required sa nursing. Inubos kop na nga 'yung mga subjects ko sa UE Recto para hindi na ako magpapabalik-balik pa doon, nagkaroon pa rin ako ng deficiency. Zoology ang na-credit para sa Natural Science. Made-delay daw ako nang isang taon. Sabi ko, magho-home study ako ng anatomy. Mag-enroll daw muna ako ng PT, Psychology o kaya Dentistry subjects. Ayoko ng Dentistry. May Physics sa PT. Maraming research sa Psychology. Ano raw ba ang nagturo sa amin ng Health Care? Doktor. Dapat daw nurse. Nursing intervention daw ang approach sa pagtuturo noon, hindi dental intervention. E, hindi naman dentista 'yung nagturo sa amin, a. Kaya sa 1st sem, 2 lang ang subjects ko: Health Care 1 & Euthenics 1. Sa 2nd sem, 3: Health Care 2, Euthenics 2, & Filipino 112. At least daw, hindi bakante 'yung 1 taon ko. Hmm...kikita rin kasi sila doon.



N is for Nakaangat


5/11/06 May delivery van sa unahan namin. May 8 gulong 'yung van. May 4 na gulong sa hulihan. Dalawa doon ang hindi sumasayad sa lupa - 'yung 2 nasa outer side.