Sunday, April 08, 2007

T

December 17 - 23, 2006
T is for Tee-hee
12/18/06 Pumunta si Johnlord sa bahay. Naliligo ako nang dumating siya. Hayun, tinahulan nang tinahulan ng pasaway na si Aya (aso). Tinawagan ko siya kagabi & tinanong ko kung kailan siya pwedeng pumunta. Isang taon din kasi kaming hindi nagkita. Nakakagulat kasi sinabi niyang bukas (Lunes). Kadalasan kasi, hindi pinapaalis ng bahay 'yun lalo na kung sa amin pupunta. Nag-sorry pa nga sa akin dahil nagpa(semi)kalbo raw siya. Ayaw ko kasing kalbo 'yun, e. Tumitigas kasi ang buhok niya (sa ulo, sa itaas ^^;). Dinala niya 'yung Kare Kano Vol. 7 manga ng kuya niya. Syempre, in english. Sarap nga ipa-xerox nung ibang pages, e. Ang cute kasi nung ibang drawing. Hindi ko nga lang natapos basahin. Natatawa ako dun sa mga drawing kay Tsubasa - para kasing backpack ni Tsubaki. Pinanood namin 'yung mga pelikula ng DLB (Health Ethics - Euthanasia). Nag-To Heart marathon din kami. Nauna naming panoorin 'yung episodes 8 & 13. Akala ko kasi hindi namin matatapos 'yung buong series sa maghapon. Isang taon mula nang mabili ko 'yung To Heart VCDs, ngayon ko lang napanood 'yung pahabol ng last episode: mga chibi ng main cast na nag-uusap tungkol sa ipa-palabas nila sa cultural festival. Pinanood din namin 'yung extrang episode ng Hanaukyo Maid-tai. Sana nga hindi siya naasar sa ulam namin: pritong isda, kangkong na iginisa sa oyster sauce & alamang, & beef buzz na Soupy Snax. Lasang gamot daw 'yung Beef Buzz. Oo nga. Ibinigay ko 'yung kopya ko ng Kare Kano Act 2.0 & 3.0 (ost). Binigyan niya ako ng printed picture ni Yukino & Soichiro. Na-touch ako sa message. Thank you. Nagpunta ako sa SM Bacoor para maghanap ng panregalo. Wala na 'yung mug na Monokuro Boo. Wala naman akong mahanap na panregalo na kakasya sa budget ko. Mahal pala 'yung Monokuro Boo items. May nakita rin akong stuff toy na Mirumo & Rirumu. Ang mahal! P400.

T is for Trip
12/20/06 Papunta ako sa Lotus Mall. Balita ko, maraming anime DVDs na ibinebenta doon. Isinabay ako ng isang babaeng taga-amin sa pagtawid. Thanks. 'Pag bakasyon, walang estu-estudyante kaya P7 din ang bayad ko sa jeep. Oo nga. Bumabaha ng DVDs. Ang kulit nung una kong pinuntahan. Ang dami niyang inirerekomenda. Sabi ko, mamimili muna ako. Kung pwede nga lang sabihing "Sa totoo lang, wala po kaming DVD player". May mga DVDs na 1 disc lang, isang series na. 'Yung iba, 6 to 7 episodes sa isang DVD. Meron ding DVD na 6 ang lamang series (nga ba? sabi ng tindera). Syempre, pinakamura na 'yung 1 disc, 1 series na. Ang hirap maghalungkat ng mga DVDs! Ang taas kasi ng istante. Nangawit tuloy ang braso ko. Inaalok sa sa akin 'yung Midori no Hibi. Bibigyan n'ya (tindera) raw ako ng discount, from 60 to 55 per cd. Dalawa ang DVD ng Midori no Hibi. Pinatesting ko 'yung DVDs. Nasa Midori no Hibi rin si Kayako ng Ju-on the Grudge. 'Yun ang palabas na pinapanood ni Seiji sa sinehan. Binili ko na. Nakakita ako ng DVD ng Boys Be. Dalawang DVDs rin. Akala ko nga nawala. Nakalimutan ko lang pala 'yung hitsura ng cover. Pinatesting ko. Sobrang atat 'yung tindero. Kasasalang pa lang ng nung DVD, oka na raw ba? (Gusto na niyang ilabas 'yung DVD, e wala pa akong napapanood.) Binili ko rin 'yung Boys Be. Hinanap ko 'yung pagawaan ng audio cds ("cd burn"). Nasa 3rd floor pala. Lumapit ako sa isang kiosk. Namili ako ng kanta. Lasug-lasog na 'yung bagong listahan nila ng mga kanta. Mas maganda pa ang kundisyon ng lumang listahan ng mga kanta. Naaawa ako sa stall na 'yon. Walang-wala silang supply ng papel. Parang gusto ko tuloy mag-donate ng papel. Nakakainis tumambay doon. Ang ingay! Nakatapat pa 'yung speakers sa akin. Buti hindisi Tippie ang nagpapagawa ng cd niya doon. 'Yung isang babae sa kiosk na 'yon, adik sa Tito-tita ni Makisig. 'Yun lagi ang pinapatugtog niya. Ang maganda sa listahan nila e, meron silang full albums. Kaya makukuha mo 'yung mga kantang sa album mo lang maririnig & hindi pinatugtog sa radyo. Meron din silang mga kanta na wala sa pinagpapagawaan ko sa Maynila. Pinahiram ako nung babae ng high chair ^^;. May nagpagawa ng Kenny G album. May space pa raw kaya pwede pang dagdagan ng kanta. Ipindagdag nung nagpapagawa 'yung I Love You Babe ni Rainier Castillo. Yuck! May interesado pala sa kantang 'yon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nasabi ng ibang tao na gwapo si Rainier. O, back to abnormal na. Nang matapos ko 'yung listahan ko, pinili ko 'yung Hello Kitty na cd. Pinaghintay ako sa kabilang table. Kinuha ko ulit 'yung listahan ko para palitan ng Beer 'yung Same Ground. May isang upuan na dumudulas 'yung isang paa. Kinuha ng ng isang mama 'yung upuan. Nakunsensya tuloy ako nang mabali 'yung paa ng upuan habang nakaupo 'yung mama - hindi ko kasi sinabihan. Habang ginagawa 'yung cd ko, pinatugtog ng babae 'yung last track - Slurpee. Green 'yung kanta kaya nahiya ako nang patugtugin niya 'yon. Baka kasi isipin niya: "Kababaeng tao, ganito ang kinahihiligang kanta". Green 'yung piniling jewel case nung babae. Puti 'yung pinili kong label. Green din 'yung print. Nagpasalamat ako dun sa nagpahiram sa akin ng high chair. Bumalik na lang daw ako kung sira 'yung cd. Umuwi ako ng mga bandang alas-8.

~~Ha-quote~~
Naka-post sa stall ng figurines: Lovely to see, Nice to Hold, But if you break it, (We) Consider it sold

~~Blessings~~

12/18/06 bumisita si Johnlord, nakabasa ng Kare Kano manga Vol. 7
12/20/06 nakasalubong ko si Sam Kalvin sa harap ng simbahan ng Iglesia ni Kristo sa Imus, nag-o-OJT na raw siya; Midori no Hibi & Boys Be DVD (kahit nadaya ako), pina-burn na audio cd
12/22/06 nakasakay sa Jethro Liner, nakapanood ng ilang episodes ng Boys Be

S

December 10 - 16, 2006

~~Picture-istic~~












~~Blessings~~
12/10/06 beef with brocolli
12/15/06 UERM hospital tour

R

December 3 - 9, 2006

~~Palitra~~
JUST A DREAM
(English version ng Pangarap Lang ni Yeng Constantino)
it is my dream to arrive on the moon and
to fly towards the universe afar

i want to join the earth in its rotation
come and join me in my song

chorus:
I am going to ride onto my dream
as long as the one with me is you
surely there's light
I am going to ride onto my dream
as long as the person in my heart is you
surely there's light

there is one person praying
during the nighttime
[construction going on]

I am just chasing the world in its rotation
come and join me in a song

chorus

it's just a dream
it's just a dream

Q

November 26 - December 2, 2006
Q is for Question
11/28/06
caller: 0918 111 11 11 (parang isinumpang number, no?)
Unang tawag - Missed call
Ikalawang Tawag
c: hello?
me: hello? hello?
Ikatlong Tawag
c: hello?
me: hello? hello?
c: paano n'yo ko maririnig, e naka-music kayo? (nakikinig sa radyo)
me: naririnig kita, sira!
c: ako pa ang sira.
me: ano'ng problema mo?
c: wala po.
Ikaapat na Tawag
c: ikaw naman pala may problema, e!
Sa totoo lang, hinihintay ko pa rin ang tawag niya matapos ang ika-apat na tawag.

Q is for Quack

11/29/06 Tumunog ang celfone ko. Aba, himala! May nag-load sa akin ng P25. Thank God! Ang bait naman ng nag-load sa akin. Thank you. Mayamaya, may nag-text. Ipinapabalik sa akin 'yung load. Nagkamali lang daw siya ng pindot. Tinanong ko kunbg paano. Ayaw n'ya namang sabihin. Basta i-text ko raw. Naalala ko 'yung nasa menu ng celfone ko na pwedeng ipan-load. Sinubukan kong i-send sa kanya 'yung load, pero hindi ko rin naibalik dahil hindi ako registered na mag-load. Kinulit pa rin niya ako. Ipinasa ko sa kanya 'yung sinabi ng network.
Reply niya: Tnx na lang sa yo. Kung ayaw mong ibalik 'yung load tandaan u malaking kamalasan ang darating sa mga taong manloloko.
Reply ko: Hindi ako manloloko. Kung may iba pang paraan para makabalik sa 'yo load mo, sabihin mo. 'Di ko naman kailangan ng load dahil wala namang nagte-text sa akin. 'Wag mo ko pagbintangan.
Reply niya: Kung di ka manloloko, loadan mo ako sa personal # ko.

Ni-load-an ko siya ng P30 (Smart).


Reply niya: Tnx. Di ka pala manloloko. Sensya na kung nasabi ko yon.
Reply ko: Mawalang-galang na po. Sa susunod po, mag-ingat na po kayo sa pagpindot-pindot sa cel n'yo. Nakakaabala po kasi kayo ng mga nananahimik na tao. Nabawasan tuloy baon ko. Closed book na.

Reply niya: Pasensya na po mam/sir sa abala. Sori po tlg kung pati baon nyo nabawasan. God bless. Tnx!

Ang engot ko, no? Bakit ko ni-load-an? Ayaw ko lang ng away. Kahit gustung-gusto ko na siyang murahin, hindi ko ginawa. Takot kasi ako sa karma. Sa totoo lang, galit na galit ako. Nagre-review kasi ako, tapos guguluhin niya ako. E, siya naman 'tong may kasalanan.


~~Palitra~~

HOLDING HANDS
(English version ng Hawak Kamay ni Yeng Constantino)
sometimes you will feel that
the problems are so heavy
sometimes you will have difficulties
and you will say, I give up now

you just look at the heavens
you might have someone to tell your problems to
or you can try to call me
you will always know that whenever

chorus:
holding hands
I will never leave you in journeying
in this world full of uncertainties
holding hands
I will not let go of you in our journey
to the world of nothingness

sometimes you will have this feeling
that the earth is breaking underneath your feet

and the flow of the problems
is carrying you

you just look at the heavens

you might have someone to tell your problems to
or you can try to call me
you will always know that whenever

chorus

don't you say that your are alone

always think that you have a companion
I am always here woah
I am always here

chorus

to the world of nothingness

holding hands
holding hands
holding hands
to the world of nothingness

~~Blessings~~

11/28/06 na-download ko ang Don't Cry Joni mp3
11/29/06 P25 load (kahit binawi)
12/2/06 beef noodles

P

November 19 - 25, 2006

O

November 12 - 18, 2006
~~Blessings~~
11/17/06 siopao
11/18/06 birthday party ni Ms. Mayet (administrator ng Gota de Leche)

N

November 5 - 11, 2006
~~Blessings~~
11/7/06 nakabili ng flash disk/usb thumb drive 1gb

M

October 29 - November 4, 2006
~~Blessings~~
10/31/06 nakapanood ulit ako sa youtube & nakapag-download sa gendou.com
nang walang harang (hinaharang kasi ng astaro 'yung website)

11/2/06 Wendy's frosty;

L

October 22 - 28, 2006

K

October 15 - 21, 2006
~~Blessings~~
10/19/06 refund (P100)
10/20/06 nakasama sina Eejay & Joachim sa panonood ng play (Antigone) kahit nakakaantok
~~Blog ang Mundo~~
www.talaarawan-ni-pao.blogspot.com

J

October 8 - 14, 2006

I

October 1 - 7, 2006
~~Blessings~~
pansit malabon

H

September 24 - 30, 2006
~~Blessings~~
9/30/06 nakausap ko nang matagalan si Charisse, pinasabay ako ni Charisse sa
kotse niya, beef steak

G

September 17 - 23, 2006
~~Blessings~~
9/17/06 crab & corn soup

F

September 10 - 16, 2006

~~Blessings~~
9/15/06 nakasabay ko sina Jeanette & Airelle sa jeep

E

September 3 - 9, 2006
~~Blessings~~
9/8/06 tuna meat pie, double dutch & chocolate ice cream
9/9/06 libreng Chickenjoy
~~Chu-tune Train~~
OPEN YOUR MIND ~CHIISANA HANE HIROGETE~OPEN YOUR MIND ~Spread Your Small Wings~Composer: Kouhei TanakaArranger: Masami Kishimura & Shirou HamaguchiVocals: Yoko Ishida
fukai ao no sekai koete meguriaukaze ga toori nuketeku
maiorita masshiroi hane fuwari yureteoshiminaku kakegaenai anata wo tsutsumitaiaisuru hito mamoru chikara ryoute ni motteru hazu (open your mind)
kokoro wo hiraite (itsumo yume miteta)negai wo kaze ni nosete tooku (open your mind)mienai hane ga aru (hora anata ni mo aru)jiyuu na basho ni yukerusou dare demo
kaze ga kagayaki dashitara arukidasoumou kowakunai kara
chigireta kumo no mukou kawa hikari afuremassugu na michi sono saki ni nanika ga mieru deshou?iki wo sutte kaze no nioi kanjite donna toki mo
hateshinaku hiroi ao no sekaichiisana hane shintokyuu shitesora ni mukai habatakeru karasore wa mirai atarashii ashitamitsukeru KAGI (open your mind)
kokoro wo hiraite (itsumo yume miteta)negai wo kaze ni nosete tookumienai hane ga aru (hora anata ni mo aru)jiyuu na basho ni yukeru
tobira wo hiraite (donna tobira demo)itsudemo watashi soba ni iru wa (open your mind)mienai hane hiroge (hora oikaze ni notte)tobitatsu toki wa kuru nosou dare demo
sora ga aoi...

D

August 27 - September 2, 2006

~~Blessings~~
8/30/06 kwintas ni Prof. Bautista na malaming pendants: soccer ball, pad lock, sun; Galaxy Angel season 2 episode 11: body exchange
9/2/06 napanood ang last episode ng Peach Girl (si Momo & Kairi rin sa huli)

C

August 20 - 26, 2006

~~Blessings~~
8/24/06 bonding with Michelle Ambrosio

B

August 13 - 19, 2006

B is for Babae

8/18/06 Jeep. May sumakay na matandang babae. Sabi niya, pakiusod lang po. Akala ko, pinapausod niya 'yung gamit na ibinaba niya sa sahig ng jeep. Upuan pala - kami palang mga pasahero 'yung pinapausod. Hindi namin naintindihan, e. Umupo siya sa tapat namin. Nagalit siya sa katabi ko. Sabi niya, 'di raw marunong umintindi 'yung katabi ko. Kahit ako, na-misinterpret ko ang sinabi niya. Sana sinabi niya, makikiupo.

A

August 6 - 12, 2006