Saturday, December 31, 2005

'Tis the Season...































Merry Christmas & a Happy New Year to all of you!

Sensya na kayo, medyo tinatamad pa akong magpost.
Good Luck to everyone!
Ayaw ko pang magtype ng draft ng course paper!

Sunday, December 04, 2005

Q

Q is for Queer


12/01/05 Nagdudumilat na zero. 'Yan ang score ko sa practicals namin sa meiosis. May kanta na nga ako, e. Salamat kay Jan Gringo Onate (onyate), sa pagkanta niya ng 12 Days of Christmas.

Ganito: On the 1st day of December, professor said to me "zero ka sa meiosis".
Tinanong niya ako after class. Bakit daw hindi ako nagsalita. Sabi ko, mental block. Hindi naman ako nag-iisa. Marami ring na-zero. Misery loves company.



Naglolokohan kami ng mga kaklase ko. Nagpaka-tibo ako. Kinulit ko si Kristina, kunwari sasayaw kami ng cotillon. Niyakap ako ni Gaile. Sabi ko, "may sakit ka ba?" Lumapit ako kay Clarissa. Dun naman ako nanggulo. Yakap-yakap. Haplos sa pisngi. Parang PDA, joking style. Tingin nga si Yasmin, e. Sabi ko, pwede rin ako sa lalaki. Mukha naman ni Anthony (a.k.a. Hotsos) ang hinawakan ko. Oi! AC-DC. Mwehehe! Sabi ko, wala na sa UE si Fafa Jeff (former classmate sa DJC). Kailangan kong humanap ng kapalit niya. Dalawa kasi sila dati: si Marvin & si Jeff. Kaklase ko ngayon si Marvin. Sabi ko, si Anthony na lang ang ipapalit ko. (Naaalala ko si Franzen kapag nakikita ko si Anthony. I wonder why.) Sabi ni Clarissa kay Anthony, ako na lang daw ang jowain n'ya para hindi na siya ma-busted. Crush daw nito si R.A. Akala ko si Ombrog. Hindi nga pala R.A. ang initials nu'n. Rose Ann Ingaran pala. Ewan ko kung bakit maluha-luha ang kumag. Nanghingi pa nga ng tissue. Ganun daw talaga ang mata niya. Sabi ko, wala naman siyang lagnat. Kasi glassy-eyed ang taong may lagnat. Kinausap ako ni Carlyn (ewan ko kung tama 'yung spelling). Nakaka-relate siya sa akin. Ang tahimik ko raw. Sabi ko, hindi. Hindi lang ako nakikipag-usap sa mga taong 'di ko feel kausapin. Madalas kasi nila akong balewalain kapag nagsasalita ako. May kaibigan daw siyang ganoon. Gustong napapag-isa. Salamat sa Diyos. Nadagdagan ang mga taong nakakaintindi sa akin.



11/30/05 Pumunta ako sa CD-R King. As usual, magsasalita lang ako kapag napansin na ako ng tindera. May mga sumingit sa akin. Ok lang, hindi naman ako nagmamadali. Ako ang naging last customer. Bibili lang naman ako ng spindle. Sinarahan na ako ng mga rolling door ('yung maingay na nanggagaling sa taas) para wala nang sumunod pa sa akin. Isinara hanggang binti na lang ng tindera ang nakikita ko. Ang saya!



This week. May billboard si Jennylyn Mercado sa Longos. Tungkol 'yon sa mga mapapala sa Starmall, ang title ay Stay Awhile. Malaki. At may realistic na nipple. Realistic? Nipple? Oo. May patusok na bakal kasi sa kabitan ng billboard & nasakto pa sa boobs. Kaso isa lang 'yung patusok na bakal. Kahit nga nanay ko, napansin 'yon.



Q is for Query

11/30/05 Last day ni Mr. Ang sa DLB. Sayang! Magaling pa naman siyang magturo. Siya na kasi ang head ng Math Department. Kung may igi-give up daw siyang section, kami 'yon. (si Mrs. Gano ang pumalit)



11/30/05 Pumunta ako sa library para hanapin 'yung libro sa Political Science. Circulation. Ayaw gumana ng OPAC. 4th floor, ayaw din. Nakita ko si Vanessa Zapanta. Akala ko, hindi ko na siya makikita ulit. Matagal na rin kasi. Buti na lang, alam ko kung saan hahanapin ang librong 'yon. Nakahiram din ako. I therefore conclude na sa araw na ito, may topak ang OPAC.



12/1/05 Iba na ang teacher namin sa computer. Maarte. Ingles nang ingles & feeling maganda, gusot naman ang palda. Hindi ko akalain na mami-miss ko si Mr. Velayo. Nung una, nakakatakot & maangas siya. Hindi naman pala. Sayang! Masaya pa naman ang klase nung siya pa ang teacher. Bakit 'yung magagaling pang teacher ang pinapalitan. Bakit hindi na lang 'yung prof sa Philosophy, Genetics, o Health Care 2 'yung palitan? Bakit 'yung mga magaling pa ang umaalis? Kailangan namin ng teacher na nagtuturo & hindi atat ngayon. Ga-graduate na kami. Kailangan namin ng mataas na grades & mga bagay na matututunan.



Q is for Q-litan

12/02/05 Daldalan na naman with Joachim. 'Di ko akalaing may nagtitiyagang makipag-usap sa akin. Ano kayang napapala niya sa pakikipag-usap sa akin? Hinihintay raw niya ako. Pwe! 'Yung kalaro raw niya noon, nakita niyang dumudumi, frog-style. 'Yung nakatungtong sa toilet bowl. Sabi ko, tama ba namang mag-barge in? May bago raw siyang nililigawan. Jennilou Usoy yata. Napag-usapan din namin si Gaile. Alam din pala niya 'yung tungkol sa suicide attempt nito. Kinalaban daw ito ng buong klase & si Rana (ranya) lang daw ang kumampi rito. Nung dumaan daw siya (Joachim) & 'yung jowa niya sa harap ni Gaile, tinext daw siya ng "pinagseselos mo ba ako?" Ewan ko kung sinong nagsasabi ng totoo. Nagpabango siya bago umalis. Sabi ko, "gayuma 'yan, 'no? Nung bumalik siya para kunin 'yung gamit niya, tinanong ko kung naglaplapan sila (sorry for the term. nang-aasar kasi ako.). At kati lang 'yun, kaya naghahanap siya ng jowa. Hindi raw. Nanliligaw pa lang daw siya. Inaalok ko siya ng pagkain ng pusa. Nagugutom na raw kasi siya. Naalala ko tuloy 'yung pang-aasar namin ni Mr. Madeja sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko hinawakan ang kamay niya. Basa.

Me: Ba't pasmado ang kamay mo? May ginawa ka kagabi, no?

Joachim: Bakit? Ano bang ginawa ko?

Mr. Madeja: Bakit kami ang tinatanong mo? E, ikaw ang gumawa.

Sumakit ang tiyan ko sa katatawa sa paulit-ulit na tanungan tungkol sa ginawa niya. Wala naman akong sinabing nag-ano siya. Sabi ko lang, may ginawa siya. Natural, 'di ko alam 'yon.



P.S. Hmmm. Iba yata ang aura ni Ombrog. Hindi na siya kasing-angas tulad nung nasa DKA pa kami.

P

P is for Pahiram po, pwede?
11/22/05 Hindi ipinahiram ni Dr. dela Cruz 'yung The 8th Day. Hiniram lang daw niya 'yon. Kung mawawala raw kasi 'yon, wala raw siyang ipapalit. Naiintindihan ko naman. May mga panahon ding ayaw kong magpahiram dahil baka masira 'yung ipinahiram ko o hindi na 'yon makabalik. Pumunta raw ako sa Video 48 sa West Avenue. Quest na naman ito.

P is for Paglipad
11/23/05 Ipinakita ko kay Gerald 'yung mga langaw ko nang mahila ko 'yung takip ng P1 ebony ko. Lumipad palabas 'yung mga langaw. Hindi ko naman sinasadya, e. T_T

P is for Play
11/23/05 Nakasalubong ko si Wowie de Guzman sa hagdan. May play kasi bukas. R'meo luvs Dewlhiett.

P is for Play - granted
11/24/05 Nakanood din ako ng play, 'di ko nga lang naumpisahan. Ok siya, nakakatawa. May mga salitang-bakla & salitang-kanto, pero rhyming.

P is for Pall
11/23/05 Philosophy. Tumabi sa akin si Rodel Castillo. As usual, "pasulat naman po ng buong pangalan - hayaan mo, hindi kita kukulamin". Pinasulat n'ya rin ang pangalan ko. Na-curious sina Pitchie & Kristina sa taong ito dahil hindi naka-uniform. Teacher o observer daw ba ito? Sabi ko, isulat nila sa papel 'yung mga gusto nilang itanong sa katabi ko. Discussion ng Wisdom ni Alfred Whitehead. Sabi ng kaklase ko, blackhead daw. Pinabasa 'yung mga kaklase ko nung article. Any opinions? Nag-react si Rodel. Nag-ingles. Mahaba kahit medyo redundant. All eyes on him. Napasulat ako sa notebook ng dumbfounded. Tameme si Mr. Matias. Hindi na niya dinugtungan ang sinabi ni seatmate. Siguro, hindi naintindihan. Sabi ko, for comic relief - eto ang eksena sa loob-loob ni Sir: Jaw drop. Gamit ang dalawang kamay, iniangat o ibinalik niya ang nahulog na panga sa pagkakasara o dating posisyon nito (closed mouth). Kahit ako, namangha kay seatmate. Napa-cross sign pa nga ako at nasabing halimaw siya. Akala ko, pangkaraniwang estudyante lang siya. Sabi niya, dati raw siyang teacher ng Criminology somewhere & major siya ngayon ng Political Science. 'Yung mga law raw, hindi nagsusuot ng uniform.

P is for Patay
11/23/05 Nilanggam 'yung old stock ko ng mga langaw. Isinabit ko na nga, nilanggam pa.

11/23/05 Gabi. Roxas Boulevard, malapit sa Uniwide. Namatay ang engine ng kotse. Ayaw mag-start. Hazard light. Sabi ng nanay ko, tumulong daw ako sa pagtutulak. Lalabas na sana ako nang pagmumurahin ako ng tatay kong nagpa-panic. Baka raw matangay ang pinto namin. Magtulak raw ako, e. Sumusunod lang ako. E di, hindi na ako tumulong. Tulak papuntang tabi ng pink fence. Sabi ng pulis, 'dun daw kami sa may ilaw para makita kung anong problema. Bukas lang pala ang aircon. In-off. "yun, umandar na. Mahirap ding ma-tow, no? Magbabayad pa kami ng P1,500.

P is for Physical Exam
11/23/05 Nag-panic ako nang malaman kong kailangan na naman ng physical exam. Na-trauma na kasi ako sa CBC. Nung kunan kasi ako nito nung freshman pa lang ako, 2 beses akong pinrick. At 'yung lancet nila, 'yung nakabalot sa papel. Kinunan ng dugo 'yung kanang ring finger ko pero nag-clot agad kaya kumuha na naman sa kanang kamay. Ewan ko ba - hindi naman yata kailangang punuin ang capillary tube. Maanomalya ang physical exam na'yon. Makinig - este - magbasa. First stop, general check-up. Blood pressure. Hinila ko 'yung cuff. Sabi ko sa doktor, maluwag. Aba, hinila lang pabalik & kinuna na ako ng bp. Sabi sa amin, kailangang tama ang higpit ng cuff sa braso para maging accurate ang measurement. 'Yung mga kaklase ko, nagkumpulan sa cubicle 1. Hmmm, something's fishy. May hitsura kasi 'yung semi-kalbong lalaking - doktor? Nakikipag-chikahan pa sa kanila. In fairness, mas katiwa-tiwala ang huli dahil sinisipat niya 'yung mata & lalamunan. Bakit daw tinitingnan 'yung lalamunan? Ang naalala ko e 'yung huli niyang dahilan - baka raw may buhok. Buhok? Sabi ko kay Jaja, "alam mo na 'yon!" Ano bang mayroon sa cubicle 2? Ganun din daw + breast examination. Breast exam? 'Yoko nga. Hindi ako pumasok doon. Sabi ng iba, bra lang daw dapat ang pantaas mo doon. May nagsabi sa akin na ipinaaangat daw 'yung bra. Bumalik pa 'yung mga kaklase ko para magpaalam kay semi-kalbo. Next stop, CBC. Wah! Hindi masakit dahil maliit lang 'yung lancet & parang thumbtack lang. Sinabayan na rin ng culture tube para sa urine sample. Natanggap ko ang culture tube around 4:30 to 5 pm. Hulaan n'yo kung ano'ng oras ako na-weewee. 10 pm. Hindi nila tinatakpan 'yung culture tubes. Mako-contaminate 'yung mga urine samples. Last stop, X-ray. Tinanong ko sa mga kaklase ko kung nakakabaog ba 'yon. Gusto ko kasing mabaog. Bakit daw? Dahil masyado nang malaki ang populasyon. Sabi raw ni Jesus Christ, humayo & magpakarami. Naisip ko, God the Father ang nagsabi noon. Sabi ko, kailangan lang magpaka-praktikal sa panahon ngayon. Nang iaabot ko na 'yung permit para sa X-ray 'dun sa operator, inaway ako. Uha! Uha! Uha! "Mamaya na 'yan, may nakapila pa." Hmp! Kukunin lang 'yung papel, e. Wala nang thrill 'yung x-ray exam ngayon. Hindi na pinaghuhubad ng blouse. Pinapabukas na lang & papahawakan sa 'yo yung magkabilang gilid. Dati kasi, pinagsusuot pa ng green vest. Tapos may kakatok sa pinto na atat kang makita, kahit nagbibihis ka pa. "yun ang thrill. Ang gusto ko lang sa physical exam e 'yung pagpasok sa mobile x-ray vehicle. Cute, parang mini-office.

~~best things~~

11/23/05 talk with daryl (sa physical exam)



~~dialogue ek-ek~~
Gabi. Sa beach. Sa terrace ng cottage. Nakatayo si Yasume & nakatingin sa langit. Lumabas si Amiran.
A: Ba't 'di ka pa natutulog?
Y: Nag-ii-stargaze kasi ako. Ikaw, ba't gising ka pa?
A: Hindi kasi ako makatulog, e.Tinabihan ng dalaga si Yasume.
Y: Ran, may nagbago ba sa akin?
A: Sa tingin ko, nag-mature ka na. Hindi mo na kasi ako masyadong inaasar, e.
Y: Salamat.
A: Para saan?
Y: (tumingin sa malayo) Binago mo ang buhay ko. Tinutukso nga kita, pero ang totoo no'n - gusto talaga kita. Masaya ako kapag naaasar kita, kasi napapansin mo 'ko. Matagal ka nang may lugar sa puso ko.
A: (tumingin sa binata)
Nilingon siya ng binata. Nginitian niya ito.
Katahimikan.
Maya-maya'y naisipan na ng dalaga na matulog. Nagpaalam na ito kay Yasume. Naglalakad na ito paalis nang magsalita ang binata.
Y: Mahal kita, Amiran.
Sandaling natigilan ang dalaga, ngunit nagpatuloy rin sa paglalakad.Napaisip siya kung tama nga ba ang narinig niya.