Monday, March 26, 2007

Z

July 30 - August 5, 2006

Y

July 23 - 29, 2006

X

July 16 - 22, 2006

W

July 9 - 15, 2006

W is for Wonder
7/9/06 Naka-bowtie 'yung nagpa-pack ng gulay sa SM Supermarket. Naks!

~~Blessings~~
7/12/06 hindi na tuloy ang return demo ko
7/15/06 encouragement galing sa 4th year student

V

July 2 - 8, 2006

~~Dialog Distance~~
Pugad Baboy
Tatay: Naiintindihan mo ba 'yang pinakikinggan mo?
Tiny: Hindi po, Japanese po 'yung lyrics, e.
Tatay: Nakikinig ka kahit hindi mo naiintindihan?
Tiny: Mga theme song po kasi ng anime ang laman ng cd na 'to.
Tatay: Pero hindi mo naiintindihan 'yang pinakikinggan mo, Tiny!
Tiny: E gwapo kasi 'yung mga characters, e. Lalo na si Inuyasha. Haay...
Nanay: Teenager 'yang anak mo. Me lisensya s'yang maging irrational.
Tatay: Naiintindihan ko na!

~~Blessings~~
7/3/06 nakausap si Daryl Joy, si Justin & mga kaklase sa AHSE

U

June 25 - July 1, 2006

U is for Unang Return Demo
6/28/06 Nakita ko si Justin na patawid ng highway. Naks! Proper na. Mukha nang kagalang-galangReturn demo namin ng bedmaking, turning, & handwashing. Kinakabahan ako kahit nag-aral ako kahapon. Pagdating ko sa school, nag-aral ulit ako hangga't hindi pa ako 'yung tinatawag. Nakita ko 'yung reviewer ni Darling. Ang dami niyang rationale sa handwashing. Saan kaya niya nakuha 'yon? Nasa Jasmine Room si Mariam kahit nasa Amphitheater 'yung grupo niya. Wala kami parehong partner kaya no choice - kami ang magkasama. Si Mr. Reyes (Evan Reyes) ang CI (clinical instructor). Maghanda na raw kami within 5 - 10 minutes. Dahil ako ang unang magde-demo, inayos-ayos ko na 'yung mga linen na gagamitin. Start na raw kami. Wala siyang karea-reaksyon o salita habang nagde-demo ako. Mahirap talagang gawin 'yung occupied bed. Nakalimutan ko ring sabihin 'yung paglalagay ng emesis basin, tissue, & sphygmomanometer. Reaction: Observe proper body mechanics. Use open-ended questions. Ano 'yon? (Hindi answerable ng yesor no) Sumayad ang line sa damit ko. Hayun, 3.0. Handwashing. Ang taas ng lababo. Hindi ko masyadong nabasa 'yung wrists ko kaya hindi masyadong kumapit 'yung sabon. 86. Wala kasi akong rationales. Si Mariam naman 'yung nurse. Matangkad siya kaya nang i-brace niya 'yung tuhod niya sa akin, nasa shin bone ko 'yung tuhod niya. Sumakit talaga 'yung shin bone ko nang itayo niya ako. Amp! Ginamit niya ang celfone, kwintas & iba pang ka-ek-ekan niya bilang emesis basin, tissue, & sphygmomanometer. Pinagsabihan siya ni Mr. Reyes na 'wag niyang ilalabas ang celfone niya during class hours dahil kinukumpiska 'yon. Ang alam ko 2.75 siya. Bad trip! Pareho lang kami ng grade sa Handwashing. Mas mahigpit daw 'yung mga lalaking CI kaysa sa mga babaeng CI. Nakuha ko na ang library card ko.

U is for Undesigned
6/30/06 Alas-7 ng umaga. Tumawag si Tita Wilma, itinanong kung may pasok raw ako. Kung wala raw, samahan ko raw siya sa Intramuros. Na-bad trip ako kasi ang aga-aga pa, may kailangan na akong gawin & saka ayaw kong umalis ng bahay. Nagdala ako ng tubig, papel, panulat, & 'yung mga isinulat kong anime episodes (parang review - habang nanonood, nagsusulat). Nagkita kami sa may tapsihan. Pumunta kami sa Seaman's Hospital. Sumasakit daw kasi ang likod niya. Pagdating namin doon, kumuha siya ng number. Ipina-flash sa screen 'yung sineserbisyuhang number. May TV sa lobby. Bananaman ang episode sa Wansapanataym. Binasa ko 'yung mga episodes na naisulat ko. Ibinili niya ako ng chocopeanut donut & mineral water. Inilalagay pala sa stick 'yung junior donut. Nang dumating ang tanghali, kumain kami sa canteen ng adobong manok. Namahalan ako kasi P42 yata 'yung isang meal. Mga bandang alas-2 na nang matawag siya. Mataas daw ang creatinine niya sa urine. Kidney raw niya 'yung sumasakit. Nadaanan namin 'yung PLM. Hindi ako nag-enroll doon dahil siguradong maki-kick out agad ako (dahil sa bagsak - kahit saan naman yata, e). Sumakay kami ng jeep papuntang Baclaran. Ngayon ko lang nakita 'yung lugar na dinaana ng jeep. Umakyat kami sa overpass. Sumakay kami sa bus pauwi, & bumaba sa SM Bacoor. Kumain kami ng Chicken Fillet Sandwich sa KFC. Ibinili niya ang lola't lolo ko ng noodles sa Chowking. Pinauna niya na ako dahil may bibilihin pa raw siya.
~~Blessings~~
7/1/06 langka;
6/30/06 choco-peanut donut, chicken fillet sandwich & fries

T

June 18 - 24, 2006
~~Chu-Tune Train~~
TORPE SONG # 5

M.Y.M.P.

Kundi ngayon kailan paBukas o makalawa Baka makawala pa Naiparating mo na baNaihayag mo na baNakapagtapat ka na ba, ano ba
Di niya malalamanDi mahuhulaan damdamin moKungdi sasabihinKaya nga't sabihin mo na
May patulatula paDi naman niya nabasaBaka pa matulala kaPag may ibang pumormaMauunahan ka paBaka magmukha kang tanga, diba
Di niya malalaman, di ko malalamanDi mahuhulaan damdamin moKungdi sasabihin, sabihin mo naKaya nga't sabihin mo na
Sige na, lakad na, sugod naBaka mawala paKayang kaya mo yanSige na, lakad na, sugod naKapal mukha naKayang kaya mo yan…Kayang kaya mo yan…
May patulatula paDi naman niya nabasaBaka pa matulala kaPag may ibang pumormaMauunahan ka paBaka magmukha kang tanga, diba
Di niya malalaman, di ko malalamanDi mahuhulaan damdamin moKungdi sasabihin, sabihin mo naKaya nga't sabihin mo na
Sige na, lakad na, sugod naBaka mawala paKayang kaya mo yanSige na, lakad na, sugod naKapal mukha naKayang kaya mo yan…Kayang kaya mo yan…Sige na, lakad na, sugod naBaka mawala paKayang kaya mo yan Sige na, lakad na, sugod naBaka sagutin kaSana nga o sanaKayang kaya mo yan…

S

June 11 - 17, 2006

S is for Stubborn
6/11/06 Nakuryente ako nang buksan ko ang disposable camera namin (Kodak). Tinaggal ko na 'yung battery, pero nakuryente pa rin ako. Mas masakit ito kaysa nung nakuryente ako sa electric fan. Nagpaltos 'yung hinlalaki ko. Sinabi na kasing "do not open to avoid electric shock".

R

June 4 - 10, 2006