Monday, October 31, 2005

Boo!












Happy Halloween!
From a text:
paano kung nanonood ka ng tv
tapos. . .
biglang lumabas si Sadako?
lalapitan ka habang gumagapang. . .
hawak ka na niya. . .
labas isang mata. . .
sabi niya. . .
"Remote nga, nood tayo bold".

Eto rin, halloween (haluin).

Thursday, October 27, 2005

H

H is for Hangin


Ang yabang naman ni _____. Gusto niya siya na lang lagi ang highest. E, ano kung mataasan siya ng iba? Hindi ba pwede 'yon? Kung ako siya, hindi ako mag-e-expect ng masyadong mataas na grade. Wala namang masama doon, pero yumayabang na siya. Dahil ba aral na aral siya? na scholar siya? Dapat nga 'yang scholarship, para lang sa mga mahihirap - 'yung mga hindi talaga makakapag-aral kung hindi mo tutustusan. Parang bang wala nang room para bumaba sila sa lebel ng iba. Ako, kahit noong nag-aaral pa ako nang matino, I don't expect too much. Masasaktan lang ako kapag hindi ko nakuha ang grade na nararapat sa akin.




H is for Hinayang / Hiya


Psychology. Nagalit si Dr. Monce sa amin dahil marami ang hindi nakikinig sa discussion. Nagkaroon tuloy kami ng pretest sa susunod na chapter. Binasa ko 'yung chapter pero 'di ko masyadong inintindi. Hindi ko naman akalaing essay ang ibibigay niyang exam. Wala akong maisagot. For the very first time in my lifetime, wala akong maisagot. Tingin ko, manghihinayang si ma'am. Inaasahan pa naman niyang matalino ako. Sorry - for myself & to her. I wasn't able to live up to her expectations. Babagsak na ako sa Psychology. Magagalit ang nanay ko panigurado. Hanggang kailan ko ba sisirain ang buhay ko? Mas pipiliin ko nang bumagsak kaysa mangopya. Pangalan ko ang nakataya rito. Grabe, hindi na ako nadala. Kailangan pa talagang maliksyunan & magtanda. Kinakaya-kaya ko lang kasi ang mga bagay-bagay, e. Sige na nga! Magaling na kayo kung magaling. Alam ko naman 'yon, e. Ayoko lang aminin sa sarili ko.




H is for Hanep!


9/27/05 Nahiram na ng tatay ko ang mga dvds ni Donna kahapon. May Yyh, Rk & Sd. Sana makopya ko nang maayos nang makatipid naman ako, kami. Mas tipid sana kung nakakapag-burn ng dvd ang computer ko, kaso hindi nga.


Astig 'yung exam of conscience kaninang anatomy. Wala akong masabi. Cheaters never quit.



Kung magkakaroon daw ng pangalawang buhay ang nanay ko, sino raw ang gusto niynang mapangasawa? Si Bill Gates daw. Korek! Nakatira pa siya sa Intelligent House. Asteeg!


H is for Hmp!


Bigla tuloy akong nagalit sa salitang corny. Lagi ko kasing naririnig, e. 'Pag may nagpatawa o nagsalita at hindi sila natawa, sasabihan nilang corny. Ako, kahit gaano ka-corny ang isang bagay, tinatawanan ko na rin, o kaya nagko-comment na lang ako 'wag ko lang masabing corny 'yun. Kasi, sayang naman 'yung effort nung tao. Gusto lang niyang mag-share o magpasaya. Ba't ko nasasabi ito? Kasi sa tingin ko, 'yun ang nararapat na gawin. Sabi tayo nang sabi sa iba na igalang ang kapwa pero ano ang ginagawa natin? Nagpapakahipokrito tayo sa buong buhay natin. Ok, ang sabihing corny ang isang bagay ay pagpapakatotoo pero sana, ma-appreciate naman natin ang iba. Lalim ba? 'Sensya na kayo, ha? Sakit ko na 'to, e.




~~Picture-istic~~


Merong website na may ganitong icon. May arrow na nakaturo kay Kazuki - not a girl

G

G is for Gosh!


May makating bagay sa mukha ko. 'Wag ko raw kamutin kasi magsusugat & baka mabutas daw tulad ng nangyari kay Mr. Mortel. Akala ko, dimple 'yon. Nabutas pala 'yon. Sabi ng doktor sa clinic, Fucidin ang gamot do'n. Tiningnan ko sa Watsons - walanjo ang presyo - P262.75!





G is for Garden


Nagpunta kami ng tatay ko sa opisina nila sa Makati. Meron kasing doong garden na maraming puno & may pangalan pa. 'Di ko naman akalaing may scientific name din. Yipee! Kadalasan ng may pangalan e 'yung mga hardwood trees lang. Astig 'yung puno ng bagras (eucalyptus). Parang painting 'yung trunk: may lilac, brown, reddish brown, light yellow, & peach. Basta astig, & ang taaaaas. 'Di ako makakuha ng dahon kaya namulot na lang ang tatay ko ng nalaglag na dahon nun. Marami palang kamag-anak ang sampalok. May ipil-ipil, fire tree, & falcata. Dalawa pala 'yung balete: isang rubber tree & 'yung mini balete. Masaya dun pero maraming lamok. Iniwan na 'ko ng tatay ko & pumunta sa 2nd floor ng opisina nila. Ako naman, naggala. Nanguha ako ng kung anu-anong dahon, yung iba 'di ko kilala. May mga dahon na ayaw magpapitas. Sabi ko sa halaman: Sige na, parang di naman tayo magkaibigan, e. Kung saan-saan ako nakarating. Hinanap ko 'yung praying plant. Sa parking lot ko lang pala makikita. Akala ko sa Roxas Boulevard lang may ganoon. Tumutubo pala 'yon kung saan-saan.






G is for Ganda


Ito ang mailalarawan ko sa bahay na ginawa namin sa NSTP NTC2 kahapon. Manguha raw ng mga twigs, leaves, & iba pang materials; bumili ng glue & scotch tape. Gumawa raw kami ng bahay sa manila paper gamit ang mga iyon. Contest daw 'yon & under time pressure. Hayun, nalapastangan ang botanical garden. Doon kasi nanguha ng mga dahon ang mga ka-grupo ko. Alam ko, bawal manguha ng dahon doon pero sabi ni Marvin, doon daw sila pinapapunta ni Prof. Manoto para mamitas. Sabi ko, siga ang prof nila. Oo nga raw. Dahon ng indian tree ang kinuha ko dahil 'yun ang pinakamarami doon. Kumuha rin ako ng mga baby's breath na nasa basurahan ng chapel. Nagamit namin ang mga 'yon. Mas maganda ang nagawa namin kaysa sa kabilang grupo. Lahat nakatulong sa paggawa. Pasilip-silip pa 'yung kabilang group habang gumagawa kami. Tapos sabi sa instruction, destroy slowly. Ipinasira sa member ng kabilang group ang bawat gawa. Sayang, maganda pa naman ang gawa namin. "di ko man lang nakuhanan ng litrato. Gusto ko pa ngang iuwi. Sinira iyon para malaman daw namin ang pakiramdam ng gumawa ng kalikasan kapag sinisira ang gawa niya.




G is for Gulo


9/12/05 Nagreport ako sa Health Care. I-summarize ko raw. Summary na nga 'yung report ko, e. Basa naman ako. 'Yung advantage & disadvantages na lang daw. Hindi ko na binaggit 'yung advantages & disadvantages ng surgical method. Wala raw ba ako no'n? Meron, pero sabi ko baka naiinip na ang mga peste kong kaklase. Gulo, no? "Pag binasa ko, hinaharang niya. 'Pag 'di ko binasa, hinahanap niya. Buti pala hindi ko ipinrint 'yung report ko. Alam kong may hihiram no'n, e.




G is for Great


Dahil nga sa nagreport ako sa Health Care ng advantages & disadvantages ng family planning methods, nalibre ako sa quiz. Yepey!




G is for Gago


May isang matanda / teacher na pumasok sa faculty room. Binuksan niya ang TV & inilipat nang inilipat ang channel. Sakit niya ba 'yon? Naghahanap pala siya ng cable channels. Nakikinood na nga, demanding pa. Akala ko, balak niyang pasabugin ang TV sa kalilipat ng channel, e.



May tanong si _____ sa akin. Sabi ko, di ko maalala ang sagot sa itinatanong niya. Tang-ina! Nag-make face! Tang-ina mo! Nagtatanong ka lang. 'Di hamak na mas sibilisado ako sa 'yo!




G is for Galing


Nanalo kami (volleyball) laban sa yellow team. Kasi naglaro ako? Oo, nung simula pero pinalitan din ako. Sabi ko, ok lang. 'Di rin naman ako nakatulong. Sabi ng captain ball ng yellow team, bakit daw ipinasok ng teammate ko ang tira niya. Gago ba siya ('yung captain ball)? Natural, gusto ng teammate ko na manalo kami. Akala raw nung captain ball, lamang sila. Marami ang namamatay sa maling akala.




G is for Grade


Actually, hindi ito masyadong related sa grade. Just to conceal the content.


Anatomy & Physiology - Ipinapakita ni Dr. dela Cruz ang mga grade namin. Mababa ang neckline ng uniform ni Gaile dahil binuksan niya nag unang butones nito sa taas & nilagyan niya ng pardible ang space sa pagitan bukas na butones & 'yung pangalawa. Medyo naka-bend ang katawan niya habang kausap siya ni ma'am. Nakita naming apat (sa pagkaka-alam ko - ako, si Camille, Jordi, & Aldwin) ang cleavage niya. Tinutukso namin ni Camille si Jordi na hindi mapalagay dahil sa nakita. Nagtutulug-tulugan si Jordi pero nakangiti. Sabi ni Camille, nag-iimagine daw si Jordi. Sabi ni Jordi, grade daw ni Gaile ang tinitingnan niya. Tinanong namin kung ano ang grade. Sagot niya: 010. Getz? (010 - boobs & cleavage) Sabi ko close & open parentheses na may 1 sa loob ( )1( ) kasi hindi naman niya nakita nang buo 'yon, e.




G is for Gamol


Pinagsagot kami ng personality & IQ test. Pareho kong hindi natapos. Mabagal kasi ang information transmission ng katawan ko, e. Kaysa naman kay Aaron na tinulugan ang IQ test. Tapos, pinasagutan ang student information sheet para sa records ng guidance office. May nakalagay dun na academic achievements. Wala akong isinagot. Ang itinuturing ko lang na mga achievement ay 'yung pag-graduate na kasama sa mga honorable mentions, valedictorian, o salutatorian. Isinama ko sa problems ang finance. Kailangan ko talaga ng pera para sa course ko & para mabuhay nang maayos. Maaasar siguro ang guidance office sa akin. Kung anu-ano kasi ang isinagot ko sa questionnaire nila.


Describe the relationship between your parents: others - magulo


How was your childhood: others - forgotten


How was your elementary school experience: others - dinadaya


How was your high school experience: others - dinadaya


How do you assess your
capabilities:

others - disabled





~~Picture-istic~~



how to make someone happy

F

F is for Forgive me


Inimbitahan ako ni Jennilou sa debut niya (9.10.05). Sabi ko wala akong pera. Nakakahiya naman kung wala akong regalo. Sabi niya, ok lang daw. Sabi ng nanay ko, 'wag ko raw sabihin 'yon. Parang yung regalo lang daw ang mahalaga sa birthday niya. Pero, c'mon. Let's face the truth. 'Yun ang katotohanan. Minsan, masyado tayong maingat sa mga sinasabi natin na nagpapahipokrito na tayo. Nagsorry ako. Sabi ko, 'di ako marunong mamasahe (lalo na sa Maynila o kung saan pa man kasi hindi naman ako gala & takot akong maligaw). Hirap talaga ng buhay na ito. 'Di mo alam kung ano'ng dapat o tama & di dapat o maling sabihin. Ipinanganak kasi akong tactless. May RSVP sa invitation. Kung formal ang attire, ang tanging pormal kong damit ay ang school uniform. Kung gown ang pag-uusapan, lab gown lang ang mayroon ako. Semi-formal ang attire. Just playing safe.




F is for Failure


Natalo kami (green team) laban sa red team. May makakatalo ba sa red team, e nandoon ang Jacky-Camille tandem (na parang sila lang dalawa ang playera). Failure? Hindi. Magaling lang talaga ang red team. Natalo kami kasi hindi ako pumasok sa game. Joke lang po.




F is for Failing


'Di naman pala. Pakiramdam ko kasi, todo bulusok na ang mga grades ko dahil sa katamaran. Goodbye, dean's list. Ok lang, wala naman akong kickback doon. Pero sayang pa rin ang prestige. Sabi ni Dr. Monce, magaling naman daw ako - natatabunan lang. Mataas naman daw ang grade ko. Ganun din ang sabi ni Dr. dela Cruz. Parang "Mataas naman ang mga grades mo. Nagtataka nga ako kasi lagi mong sinasabi na hindi ka nakapag-aral". 4 lang ang sagot diyan: multiple choice ang test, may alam ako kahit konti, magaling akong manghula, o genius lang talaga ako (ang huling dahilan ay purong kalokohan lamang).




F is for Fun


Masaya ang quiz bee namin sa anatomy pero lokohan lang 'yun kasi nagkokopyahan lang naman sila ng sagot, nangongopya sa libro o sa iba, o nagsasabwatan. Ayos lang 'yon kasi nakapagpahinga ang tamad kong utak.




~~Picture-istic~~


Tokimeki Check-in. Hinahanap-hanap ko ang H-game na ito. Parang Love Hina 'yung kwento. Tagapagmana 'yung lalaki ng hostel. Tapos ang dami niyang babae. Na-ano niya yata lahat. Swerte naman. *smirk*

E

E is for Epal



Nakakaasar talaga yang si Queenie. Niyuyugyog mo na, di ka pa rin pinapansin. Tang ina mo. Isa sa mga pinakaayaw ko ay yung pinagmumukha akong tanga. Kung ayaw niyang sagutin, sabihin niyang di niya alam.Asar din yung teacher namain sa Health Care 1. Gusto niyang sa Monday (Sept. 5) yung midterms. Sabi namin sa Wednesday na. Sige raw, basta walang babagsak. Ang babagsak, minus 20. Look: 75 point system ang pag-gegrade niya - as in in 100 items, 75 ang dapat na tamang sagot. Tapos 2 point pa per item. Lakas talaga ng trip niya. Di raw niya pinangarap maging teacher. Pwes, di namin pinangarap na maging estudyante niya. Wala namang problema sa kanya, yung grading system lang niya & ang pabagu-bago niyang isip.





E is for Extra



Naiinis ako sa sarili ko. Excited akong mag-PE 'pag maglalaro kami. Pero 'pag nasa laro na, wala naman akong magawang kapaki-pakinabang na tira. Extra lang ako doon. Bakit ba kasi hindi ko matutunang habulin yung bola. Shunga ko talaga. Grrr!




~~Picture-istic~~





hi!