Thursday, September 06, 2007

H

September 23 - 29, 2007

H is for H
9/23/07 Hinanap ko ulit 'yung The Road Less Traveled sa Booksale. Wala pa rin. Pati 'yung a Different Drum & Let's Talk About Sex (collection ng quotes about sex). Hinahanap ko rin 'yung He's Just not into You. Wala rin. Gusto kong bilihin 'yung mga libro ni Mitch Alboom, kaso ginto. Kulang-kulang P300 ang isa. Sa Pasko lang ako makakabili no'n. May promo ang Diatabs sa Watsons: 4 capsules na Diatabs + 1 pack ng tissue. ^^;


~~Picture-istic~~
How romantic. Soichiro & Hideaki








~~Blessings~~


G

September 16 - 22, 2007
G is for Gastrointestinal Tract
9/16/07 Nagpunta ako sa Booksale para hanapin 'yung A Road Less Traveled. Road Less Traveled & Beyond at A Different Drum lang ang nakita ko. Binili ko na 'yung Road Less Traveled & Beyond. Baka kasi kapag 'yun na ang hinahanap ko, e wala na. Tinanong ko 'yung cashier kung mayroon sila nung 1st book. Nabili na raw kahapon. Kapag mayroon kang pambili, wala na 'yung gusto mong bilihin. Tiningnan ko 'yung presyo nung libro sa National Bookstore. P505, P300 kapag pocketbook. Ang layo sa P140 na presyo sa Booksale. Sana may magbenta ulit noon sa bargain.
Nang isasakay na namin 'yung mga pinamili namin sa kotse, may gagong nagparada ng Honda Odyssey nang pa-diagonal sa tapat ng pinto. Tapos, nasa labas naman 'yung driver, may tinatawagan sa celfone. Inumangan ko nga ng kamao 'yung sasakyan (syempre, nasa likod lang ako nung van - 'yung hindi makikita ng driver. mahirap na.). Ang yabang, e. Nakita nung 1 ale ang ginawa ko.
9/17/07 Ang traffic papuntang Maynila. Umalis kami nang 6:15 & dumating sa UE nang 7:30. Nag-jeep ako papuntang UERM. Buti hindi ako na-late. Nakapila pa 'yung mga pumipirma sa attendance. Maya-maya, sinabihan kami ni Prof. Nastor na pwede kaming pumunta sa misa dahil in-excuse n'ya kami sa klase. Hindi ako pumunta. Sinabihan ko si Marie na pumunta. Pero hindi niya ako iniwan. Wala raw kasi akong kasama. Naks! Sabi na, e. Mahal ako nito. ^^; Mga 4 kaming hindi pumunta sa misa. Habang nagmimisa sa gym, maraming nakikitang cute na lalaki si Marie. Sabi ko, baka pati driver nung Dean - cute na rin para sa kanya. Sabi ni Martin, banal na siya pagkatapos magsimba. Pagkatapos ng misa, in-announce ni Gianina ang gagawin namin. Magbasa raw kami ng anatomy & physiology of the digestive system, assessment, planning & interventions. Bumalik raw kami sa greenland (canteen) at 1:30. Nagpunta kami ni Marie sa library. May monitor & scanner malapit sa pinto. Itinapat ni Martin'yung hinlalaki niya sa scanner. Tapos, 'yung ID naman niya. Sabi ko, ilong ang i-scan niya. Sinabi niya kay Tasha na itapat nito 'yung mata niya. Sabi ni Tasha, "Sino'ng niloko mo?" Ang ingay nina Martin & Janelle sa library. Lumipat tuloy si Liza. Nang lumipat si Martin sa tapat ni Liza, lumipat ulit si Liza. Maya-maya, umalis na 'yung iba naming ka-grupo para mananghalian. SAbi ko, mamaya nang 12 kami mananghalian. Kasi tulad ng early to rise, early to bed: early to eat, early to hunger. ^^; Iniwan namin ni Marie 'yung gamit namin sa library & kumain sa greenland. Pagkakain, iniwan namin 'yung bag namin kay Diana & bumalik sa library para kunin ang iba naming gamit. Isinauli ko 'yung librong hiniram ko. Tinulungan ko si Bryan na magkumpleto ng PRC from niya. Hiniram ko ulit 'yung libro dahil 1:30 pa kami magkaklase. Napansin nga nung librarian. "'Di ba ito rin 'yung hiniram mo kanina?" Isinauli ko bago kami pumasok sa Skills Lab 2. Si Prof. Castro ang nag-lecture. Ambush lecture daw 'yon. MAy ID na rin silang mga bagong CI (clinical instructor). 'Yung mga hindi nakakasagot ng tanong niya, pinagre-report niya kinabukasan. Guided practice namin bukas kaya kailangang magbasa. Bago kami lumabas ng gate, nakita namin sina Raiza & Eonee. Hayun, brutal na naman. Kinurot ni Eonee 'yung ilong ni Marie. Bakit ba ganoon sila Eonee. Bakit gustung-gusto nilang sinasaktan si Marie? Pwedeng biro lang 'yon, pero alam kong nasasaktan din siya. Kinukuha nila 'yung grade nila sa Fluids & Electrolytes, Oxygenation, & Sleep & Rest. Umalis na 'ko. Hindi ko na kaya ang ka-brutalang ito. Nagkwentuhan kami ni Kim. Aalis na raw siya papuntang States sa December. Nag-reply na si Kaila tungkol sa paghingi ko ng mga kuha nila sa DR. I-friend ko raw siya sa Multiply. Nakita ko rin 'yung account ni Ruby (kaklase ko nung elementary). Kumpleto na ni Eonee 'yung assisted deliveries niya.
9/18/07 Namamasahe na ako mula Recto hanggang RM. Inaantok talaga ako kagabi kaya hindi ko nabasa 'yung skills. Ka-engutan pa, hindi ko dinala 'yung libro ko kahapon. Nag-discuss si Prof. Yutankin ng Monitoring Intake & Output, & IV Regulation. Lunch break mula 10 - 1:30. Nag-demo si Prof Castro ng NGT Insertion, Gastric Gavage & Gastric Lavage (?). Nang lumipat na siya ng dummy, hindi na namin nakita ni Marie 'yung ginagawa sa dummy. Salamat kay Prof. Yutankin, pinasingit niya kami sa paanan ng kama. Kahit umakyat kami sa bench e hindi namin makita 'yung demo. Sabi ni Tasha, friday pa raw kami magde-demo. Salamat kay Martin. Nung nasa CR kami, tinanong ni Liza kung sino 'yung crush ni Marie. Sabi niya, hindi n'ya raw crush 'yon. Natuwa lang daw siya nang hipan (hinipan) nito 'yung nahulog na cord clamp. Si Dr. Jiao nga. E, kanino naman daw 'yung pinapakuhanan ni Marie ng picture gamit ang celfone? Sabi ko, sa akin 'yon. (I'm so gay - as in bading^^;) 4:30 pa raw kami babalik sa Skills Lab 2. Tinawag ulit kami pabalik sa Skills Lab 2 para sa ilang corrections. Pumunta kami ni Marie sa library para mag-research sa ibinigay na cases. Bumalik kami sa Skills Lab 2 just in time na kami na 'yung magpa-practice. Sabi ni Bryan, FYI: kapag pinahigop mo raw 'yung balat mo sa aseptosyringe, magkakachikinini ka raw. Sabi ni Marie, bakit 'yung syringe pa - kung pwede namang totoong tao. Sabi ni Bryan, expert daw si Marie. ^^; Sina Bryan, Nikki & Kaila lang ang nakapag-practice. 30 minutes lang ang alloted time, e. Kaming ibang members, naka-experience lang humawak ng mga gamit nang uwina na. Sinubukan kong mag-kink, mag-coil & magpasok ng NGT sa dummy. Bumili si Marie ng fishballs. Tumikim ako ng isa. Ok lang. Ayaw ko nang bumuli ng streetfood dahil natatakot akong magka-hepatitis o dysentery. Ang hirap kayang magkasakit. Binigyan n'ya ng 2 fishballs si Yumi, 'yung pusa ko sa school. Hindi niya kinain. Aba! Ayaw pa ng street food. Sabi nung security guard, Jollibee raw ang gusto nung pusa. Nakita kami ni Martin. Kung gusto raw naming mag-practice, pumunta raw kami sa discussion room sa Thursday. Ipinareserba na raw niya.

9/19/07 Pupunta ako sa RM para isauli 'yung Medical-Surgical Nursing na libro. Umulan na bago pa kami umalis ng bahay. Traffic sa Lawton kaya sa Sta. Cruz kami dumaan. Nadaanan namin 'yugn Avenida. Baha sa Isetann. Lumakas ang ulan kaya natagalan akong makasakay ng jeep. Sumakto ng tigil 'yung driver sa RM. Nitong huling 2 araw, lagi na lang malayo ang pinagbababaan sa akin. Binati ko 'yung natutulog na pusa sa may guard post. Nakasalubong ko si Ate Eunice sa may hagdan. Nakasalubong ko uli siya nang paalis na ako. Lumakas ang ulan. Sayang 'yung piso sa ilalim ng upuan ng jeep. Malayo na naman ang binabaan ko. Baha sa Gastambide. Sa panahon ngayon, kailangan mo nang matibay-tibay na sapatos panlusong sa baha. Kaya, good luck na lang sa sapatos ko. Hindi ko alam kung saan ako dadaan. Nung hapon, bumalik ulit ako sa RM para kuhanin 'yung naiwan kong notebook kahapon. Hinuli 'yung driver ng sinasakyan kong jeep. May katagalan din bago kami makaalis. Sabi nga nung isang pasahero, "Kawawa naman 'yung tao." Alam kong na-bad trip 'yung driver dahil Cubao ang biyahe niya pero tinaggal na niya 'yung karatula pagtapat ng jeep niya sa SM. Break ng mga CI. Tinanong ko kung nandoon 'yung notebook ko. Nandoon nga, pati 'yung clipboard ko.Tinanong nila kung taga-saan ako. Sabi ko, Cavite. Sabi ni Prof. Corpuz, "Kamusta naman 'yon? Bumalik ka lang para sa notebook?" Malaking parte ng buhay ko ang notebook na 'yon. *teardrops* Parang mawala na ang boyfriend, 'wag lang ang notebook ko (as if may boyfriend). Tinanong ni Prof. Natividad kung gaano katagal ang biyahe. 1 oras lang kapag may sarili kasng sasakyan. Ingat daw sa pag-uwi. Naka-rubber shoes nga ako, e. Buti walang pumansin sa sapatos ko. Nasa Santol na ako nang mapansin kong naka-rubber shoes pala ako - nang hulihin 'yung driver ng sinasakyan kong jeep. May hagdan na pala sa junction ng College of Education & Arts and Sciences sa 3rd floor.
9/22/07 Kasama sa Fun Run ang nanay ko. 5 AM ang call time pero ^ na siya nagising. Sinubukan kong mag-aral pero inaantok talaga ako. Nakatulog ako ulit. Gising ng 7:30. Tulog. Gising ng 8:30. Tulog. 9:30 na. Inuyasha na. Isinabay ko na sa panonood ng Inuyasha ang pag-aalmusal ko. Nagwalis & naglampaso rin ako ng sahig. Napag-utusan, e. Nag-aral ulit ako pagkatapos. Sinabihan na ako ng tatay ko na maligo. Hindi raw kaya ng 1 oras ang biyahe. Hindi na ako kumain ng tanghalian. Ubos na ang supply ko ng sando & pantylet kaya 'yung mga wasak-wasak na pambahay na lang ang isinuot ko. Sabbi ko sa sarili ko, "Bakit, ngayon ko ba makikilala ang magiging boyfriend ko? Hindi naman, 'di ba? Isuot na 'yan." Umalis kami ng 11:45 & dumating sa RM nang Saktong 1:00 sa relo ko. Buti na lang nakita ko si Ace. Sinabi niya na sa kabilang room ang exam. Hindi pa nagsisimula ang exam. Nag-a-announce ng mga susunod na duty 'yung iba. 'Yung handout lang ang naaral ko kaya wala akong ideya sa Thermoregulation. Nahirapan ako sa exam. Hindi naman kasi itinuro nang maayos (lagi naman, e. read your books, read your books. sige ba, just provide me.). E, si Prof. Gonzales ba naman ang magturo - e, talagang walang kwenta. Siga pa. Baka mayroon na naman kasing umbrella answers. Ibinigay na ni Prof. Gonzales 'yung mga grade namin sa Nutrition. #.0 sa quiz & 2.0 ang nakuha ko sa long exam. Pareho kami ng grade ni Marie. Magkaibigan nga kami. Sabi ko, 'wag na niyang hintayin 'yung mga kaibigan niya na may Speech class pa. Nakita ni Prof. Ong 'yung ticket ko ng Quiapo & itinanong kung manonood ako. Sabi ko, tapos na. Tinawag ni Raiza si Marie nang pababa na kami ng hagdan. Pakinggan daw ni Marie ang speech niya. Sa totoo lang, essay daw 'yon. Pinutol na lang niya. Sila kasi ang hahanap ng speech. E, hindi naman sila tinuruan kung paano mag-deliver. Basta, tumayo lang daw sila nang tuwid o one foot forward. Nagpunta kami ni Marie sa Jollibee. Bumili ako ng 2 crunchy twirl. Nagtaka ako kung bakit pa bumili si Marie ng ice craze na keso ube. Sabi ko, sa kanya 'yung isang ice cream. Kinain ko tuloy pareho. Sabi niya, crush din daw ni Angel si Dr. Jiao. Pinaamin daw ni Eonee si Angel. Mabait daw kasi si Dr. Jiao. Biglang umulan nang malakas. Wala siyang dalang payong. Naghati kami sa payong hanggang makasakay siya. Bumalik ako sa RM & doon sumakay. Ayaw ko kasing tumawid sa footbridge dahil nalulula ako. Bumalik na ako sa Recto.

F

September 9 - 15, 2007
F is for F*cking Week
9/10/07 May exam kami sa Life Stages/Lifespan, pero hindi ako masyadong nag-aral (as usual). Mahirap 'yung test lalo na 'yung mga tanong na: ano'ng kayang gawin ng isang batang 3 years old. Nagtatarak ako ng mga posibleng mali pero hindi ko ginawa ngayon. Baka mapuno ng tarak 'yung questionnaire. Nag-donate ako ng 2 foley catheter sa East Avenue Medical Center pero hindi nila kinuha. Hindi raw sila tumatanggap ng donation galing sa labas. Sayang kasi 'yung foley catheter dahil wala nang gumagamit nun sa bahay. May quiz din kami tungkol sa 1 picture - kung therapeutic ba o hindi 'yung nasa picture. Tapos uwian na. Balak ko sanang sumama kay Martin papuntang East Avenue Medical Center pero aalis agad siya & bibili pa ako ng kanin. Sabi ko kay Marie, 'wag na kaming kumain dahil ngiti pa lang ni Dr. Jiao, ulam na. Sabi niya sa akin, balbas pa lang ni Dr. Sangcate, kanin na. Ang weird ng mga idea ni Marie!. Ang traffic papuntang Recto.

9/11/07 May exam kami sa Nutrition, pero hindi ako masyadong nakapag-aral (as usual). Nahirapan ako sa mga tanong na may sagot na essential o non-essential amino acids & sa mga minerals - kung alin ang micro & macro. Nag-lecture si Prof. Poole tungkol sa Nursing as a Caring Profession & Concepts of Professional Nursing Practice. Astig talaga 'pag si Prof. Poole ang nagle-lecture. Marami kang matututunang praktikal tungkol sa pagiging nurse. Sabi ni Junie, paluin ko raw sa likod si Martin. Sabi ko, "Ayoko nga - dapat may kapalit". Sabi ni Junie, 1 halik daw galing kay Leonel. Sabi ko, "Ayoko. Gusto ko ang puri mo." Parang baligtad. Tawa nang tawa si Marie. May bago na namang batch shirt, P200. Nagtaas na naman ng P20. May dati namang batch shirt. E, bakit papalitan pa. Putang inang NSC! Puro pagkakakitaan ang naiisip. Wala namang maisip na kapaki-pakinabang. Puro walang kwenta 'yung mga projects. Pasimple kong kinulit si Marie na ipasa n'ya 'yung mga pictures ng anesthesiologist sa e-mail ko. Sinubukan naming buksan sa MISD 'yung cd. Hindi raw accessible. Ang saya-saya niya dahil nakita na niya 'yung friendster account ni Mark Pancho (a.k.a. Chao Fan) - crush niya. Picture na lang daw ni Dr. Jiao ang kulang sa mga pictures ng crush niya. Inuwi ko 'yung cd para buksan sa bahay. Nabuksan ko 'yung cd sa laptop ni Prof. Ang. Mukha raw kaming panadero. Isinave ko sa flash drive ko 'yung mga pictures nang payagan akong gamitin 'yung laptop. Astig 'yung laptop - Windows Vista. Nakakalito dahil mas sanay ako sa Windows XP. Sabi ni Marie, ipapasa n'ya raw sa akin 'yung ibang pictures kapag may oras siya.
9/12/07 Nagrereklamo si Prof. Gonzales. Ano raw ang nagyari sa exam namin sa Nutrition? Isa lang daw ang ibig sabihin nun - hindi kami nag-aral. Akala mo naman, ang galing niya magturo. Tanong pa nang tanong bago mag-lecture. Hindi pa simulan ang lecture. Nasasayang ang oras. Mag-lecture man siya, e wala namang kwenta. Tinanong niya ako kung madalas akong magpunta sa parlor. Hindi. Hindi naman madalas magpa-parlor ang mga lalaki, 'no? Boy ako, e (minsan. shifting of gender lang 'yan). Sinisita n'ya lahat - 'yung mga late & walang nameplate. Sinabi niya sa trasurer na singilin ng fine 'yung mga walang nameplate, naka-flat shoes, walang stockings & nakasabog ang buhok. Fine lang daw ba? E, mura lang daw 'yung fine. Kaya kami nagfa-flat shoes e dahil lagi kaming nakatayo kapag walang room o matagal buksan 'yung classroom. Comfort over Porma. Kinumpiska niya 'yung filler ng 1 naming kaklase. Hindi 'yon sa kanya. Sa taga-kabilang klase 'yon. Bakit pa raw siya magle-lecture kung mayroon na kaming notes galing sa ibang section. Baka nga mas mabuti pa 'yon. May tinawag siyang kaklase namin. Dapat daw, naka-make-up din kami sa loob ng classroom tulad nung tinawag niya. E, ang kapal kaya ng make-up nun. Substance over form. Meron din daw siyang 2 butas sa tenga nung hindi pa siya prof. Pumunta kami nina Marie & Martin sa East Avenue Medical Center para ibigay 'yung chocolate mousse cake kay Ma'am Fiala. Tampong charing pa si Martin dahil sumama lang daw kami para kunan ng litrato si Dr. Jiao. Bumaba kami sa Shuttle & sumakay ng jeep papuntang ospital. Kumain muna kami sa canteen. Sabi ni Martin, lasang sebo raw 'yung sinigang. Bright green pa nga 'yung kangkong. May nakapost pa sa counter: Clinical instructors are entitled to 1 free meal per day. Balak nila ni Marie na mag-elevator pero puno pareho. Sumama kami sa mama na nagturo sa amin ng ibang daan papuntang DR. Biniro nga ni Marie 'yung mama. "Kuya, bakit parang napalayo?" Nadaanan namin 'yung NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Mahaba pala 'yun. Pink 'yung pader & may naka-paint na mga bakod & halaman. Pumasok kami sa pintong pinapasukan ng mga bantay. Wala sa station si Ma'am Fiala. Nasa opthalmology department daw. Nakita namin 'yung group 20 na naka-duty. Isa doon si Eonee. Sabi niya, hindi naman daw gwapo si Dr. Jiao. Sabi ko, hindi naman kailangang cute ang crush, e. Nakita namin si Dr. Jiao, naka-orange na scrub suit. Sabi ko, kunan na nila. Iniabot ni Marie 'yung celfone niya kay Martin. Likod lang ang nakunan ni Martin. 'Yung isa, hindi pa nai-save. Sabi ko, dapat, sa gitna na lang ng kurtina nila kunan, & celfone ko na ang gamitin para automatic na naka-save 'yung picture. Hindi na bumalik si Dr. Jiao. Umalis si Martin para hanapin si Ma'am Fiala. Kung magkasalisi raw sila, sabihin na lang namin na pakitapos 'yung evaluation tool & ibigay namin 'yung cake. Pagbalik niya, hindi raw niya nakita si Ma'am. Isinulat na lang niya 'yung message niya sa karton ng cake & ipinaabot sa ibang nurse. Nakita rin namin sina Ate Mylah & Ate Monina. Si Dr. Habana (habania) pala 'yung nagsa-scrub sa pinto ng OR/DR 2. Sumakay kami ng taxi pabalik sa school. Sabi ni Marie, mag-review daw kami para sa test mamaya. Sabi ni Martin, lagi raw may hinanakit si Diana kay Nikki tuwing uwian. Tinanong ko si Martin kung hindi siya naiinis sa mga ka-grupo namin. Nagkwento siya. Nung nocturnal duty namin sa OB Ward, 'yung mga 4th year ang nag-assign sa amin ng pasyente. Ang gusto ni Nikki, dun siya sa RIU (Rooming-In Unit) - 'yung may baby. Kinausap nung 4th year si Martin tungkol doon & pinabalik si Nikki sa naka-assign na pasyente sa kanya. Nilapitan daw siya ni Nikki & sinabing "Siguro pinag-usapan n'yong ilipat ako, no?" Nagpanting daw ang tenga niya, pero hindi n'ya pinatulan. Inilipat daw si Nikki ng pasyente dahil masyado nang marami ang naka-assign sa RIU. Naisip ko ulit 'yung sinabi ni Diana - na kung wala si Nikki & Kaila sa grupo, harmonious na ang samahan. At saka, ano naman ang mapapala ni Martin sa paglilipat kay Nikki sa ibang pasyente? Umulan. Hindi pa nagsisimula 'yung exam nang dumating kami. Nag-lecture pa si Prof. Gonzales. As usual, habang kumokopya kami, e inaalis niya 'yung transparencies. Hay, grabe! Kung tinatamad siyang magturo, e lumayas na siya. Aba! Ang mahal yata ng tuition. Tapos gaya niya lang ang magtuturo? Utang na loob! Nakita niya si Den-den na nagla-laptop. Ang tapang ni Den-den. Sinabi niya na kumukuha siya ng notes ng Nursing Process para sa exam bukas. Tinanong niya si Carla (Golfo) & Hazel (Gu). Nang matapos 'yung exam, nag-uwian na kami. Baha sa daan, mula Sta. Mesa hanggang Pureza. Hindi makababa 'yung mga sasakay ng tren. Halos kalahati na ng kalye ang okupado ng tubig-baha. Pagbalik ko sa Recto, sinamahan kong matulog si Prof. Ang. Sabayang pagtulog ba. Ang sakit sa leeg. Hindi na naman ako nakapag-aral. Miss ko na ngang mag-aral nang seryoso, e. Nag-inarte ang tatay ko. Sinabi raw niya sa nanay kong "I'm setting you free." 'Pag nagkukwento siya sa ibang tao, sinisiraan niya ang nanay ko. Gusto niya, laging siya ang tama, laging siya ang mabuti, laging siya ang kawawa. Bakit ganoon? Nursing na nga ako. Namomroblema na ko sa tatay ko, e. The people...

9/13/07 Exam namin sa Nursing as a Caring Profession, Concepts on Professional Nursing Service, History of Nursing, & Nursing Process. Naaral ko 'yung Nursing Process, pero hindi 'yung ibang 3. Kaya nangapa ako sa mga theories & mga pangalan. 'Yung test sa Nursing Process, paulit-ulit 'yung ibang tanong. Meron pang: Shade A if the statement is definitely correct, Shade B if the statement is definitely incorrect, Shade C if the statement is probably correct, & Shade A if the statement is probably incorrect. Sana, pumasa pa rin ako. 'Yung nagbigay ng test papers sa Nursing Process, nag-inarte pa. Na-master na rin niya ang pag-iinarte - isa sa mga specialty ng UERM. Tinanong ng iba ang sinabi niya dahil hindi nila narinig. Mag-iinarte na lang, hindi pa gumamit ng mic. Naisip ko, "sabi niya, bawal tumawid - nakamamamtay." Ibinigay na ni Prof. Poole ang grades namin sa Life Stages: 2 quiz & 1 long test. 3, 1, & 2.25 ang grades ko, respectively. Nung una, ka-apilyedo ko ang kumuha ng grade. Hindi naman kasi ini-specify kung babae o lalaki, o kaya 'yung 1st name. Nagpaka-epal si Nikki habang hinihintay kong maka-usap 'yung prof. Bakit ko raw tinitingnan 'yung grade ng iba. Tinarayan ko nga. Bumalik ako. Umepal ulit. Hinarangan ang mata ko. Kinuha ko ang kamay niya & kunwaring kakagatin. Linsiyak! Nagpaiwan kami ni Marie sa classroom. Pinaalis kami ng janitor dahil magba-vacuum pa raw siya. Sa labas kami ng classroom kumain, sa tabi ng bintana. Nag-aalala siya tungkol sa evaluation tool na hinihiram ni Eonee kay Martin. Balak ni Marie na kunin 'yon kay Martin. Tinanong ko siya kung alam niya kung nasaan si Martin. Hindi raw. Kung mahihiram niya, siya na raw ang magdadala. Sabi ko, hindi pa nga gawa 'yung sa group namin, e - malamang hindi pa rin magagawa ni Ma'am Fiala 'yung sa grupo nila. At saka, pupunta naman kami bukas sa EAMC. Umuwi kami pagkatapos mananghalian. May karatula sa Mercury Drug sa Rotonda. Nakasulat sa karton ang SHOPLIFTER AKO!! Kapag nahuli ka nilang nagsa-shoplift, malamang patayuin ka sa isang lugar & ipasuot 'yon sa 'yo. Sinubukan kong mag-aral sa elimination. Unsuccessful. Pero may nabasa naman ako. Kwentuhan ulit kami ni Kim. UE vs. DLSU ang naglaban sa UAAP. Parang bali ang mga tao sa faculty room. Marami rin ang nanonood. Hiyawan, talunan, dasalan. Iba't-ibang eksena, lalo na kapag nagdidikit ang laban. Namatid & nanapak pa 'yung taga-La Salle. Suspended, suspended! Madumi talaga sila maglaro. Nanalo pa rin ang UE Red Warriors. Congrats! Thank God! Natupad na ang pangarap ni Prof. Nelson Ramirez. 14 - 0 Hell freezes over! Nanood si Tope sa Araneta. Namumula raw ang Araneta. Outnumbered ang mga taga-La Salle. Okupado raw ng mga taga-UE ang upper box. Nagwe-wave pa raw sila. Bias 'yung cameraman, dahil hindi 'yon nakita sa Tv. Bias din daw ang referree. 'Yung ibang teams (Ateneo, Uste, & Feu) kampi raw sa UE. Namaos si Tope. Si Prof. Jacinto, tumatalong-talon din nung game. Nakakawala raw ng poise. Si Prof. Madeja, nagwawagayway pa ng Philippine flag. Lakas trip!

9/14/07

E

September 2 - 8, 2007

E is for East Avenue Medical Center Delivery Room Duty (7 AM - 3 PM/6 AM - 2 PM)
September 3, 2007 Day 1
September 4, 2007 Day 2
September 5, 2007 Day 3
September 6, 2007 Day 4
September 7, 2007 Day 5
~~Dialog Distance~~
Rosalie: Mukha ka nang kagalang-galang.
Raymond: Rape-in kita diyan, e.

D

August 26 - September 1, 2007

C

August 19 - 25, 2007

B

August 12 - 18, 2007

A

August 5 - 11, 2007
A is for A
8/6/07 First time ng grupo naming mag-duty na nakasuot ng clinical uniform. Parang sumikip 'yung puting stocking ko. Nawala 'yung support stockings ko pagkatapos ng capping. 'Yung mahal pa 'yung nawala - P140. Umalis kami sa bahay ng 6. Coding kami kaya namasahe ako mula Recto papuntang RM. Dumating ako ng 7:40. Sabi ni Chloe, masakit ang likod n'ya. Hinihintay raw niya 'yung pinsan niya dahil may ibibigay raw siya. Pumasok na kami sa OPC (Out-Patient Clinic) & nag-sign sa logbook.
Nagsuot na kami ng cap & apron. Tumambay kami sa Neurology Department. Nag-orient si Ma'am Mendoza (RN) tungkol sa gagawin namin sa buong araw. Hinati kami sa 2 grupo: 1st 6 sa Ob-Gyne & last 7 sa Pediatrics. 'Yung mga naka-assign sa Ob-Gyne, mag-i-interview ng 1 buntis kada member, magsusukat ng vital signs, height & weight, & manonood ng nagle-Leopold's Maneuver, IE (intravaginal exam?) & Pap smear. 'Yung mga naka-assign sa Pediatrics, magsusukat ng height o length, weight, head circumference, & chest circumference ng mga batang below 7 years old. Gagawa rin kami ng NCP (nursing care plan) base sa mga interview gamit 'yung guide &
Gordon's Functional Pattern Assessment: 1 per group. Itinour kami sa OPC. Parang maliit na ospital ang OPC: may Surgery, Neurology, DOTS (direct observed treatment shortcourse chemotherapy para sa mga TB patients) Clinic, Ob-Gyne, Pediatrics, ECG room, Dermatology, & Opthalmology. Pwede raw kaming tumambay sa Neurology hanggang ala-una. Dumating si Marie nang nag-o-orient si Ma'am. Buti, hindi siya in-absent. Aba, P1000 din ang bayad + 3 days make-up duty. Na-late daw siya dahil
pang-asar 'yung driver ng nasakyan niyang bus. Laging tumitigil sara maghintay sa mga pasaherong hindi naman sasakay. Alas-sais pa raw siya umalis sa Taytay. Nagtawag na ng pasyente 'yung mga ka-grupo ko sa Ob-Gyne ng pasyente. Nag-interview na rin ako nang bigyan ako ng pasyente. Nahirapan din akong mag-interview dahil English 'yung assessment guide namin - kailangan pang i-translate sa Tagalog.
Eto sample ng tanong:
Marie: Ano po ang tingin ninyo sa inyong sarili? Maganda po ba?
Pt: Oo naman.
Marie: Sexy po ba?
Pt: Hindi na. Buntis na ko, e.
Pagkatapos no'n, nag-abang na lang kami ng nag-a-IE & Pap smear. Hanggang mag-alas-4, wala kaming napanood ni Marie. Nahihiya raw 'yung babae. Nakulitan si Diana sa akin. Tanong kasi ako nang tanong kung kulay blue ba 'yung cervix (kapag buntis). 'Yun kasi ang sabi sa amin. Puerta asul daw ^^; Hindi raw. Pink daw 'yung cervix. Ang sakit ng mga paa namin dahil sa sapatos. Mas madalas, wala kaming ginagawa. Hindi ko lang alam kung busy 'yung mga naka-assign sa Pediatrics.

Z

July 29 - August 4, 2007

Y

July 22 - 28, 2007

X

July 15 - 21, 2007

W

July 8 - 14, 2007

~~Ha-quote~~
A truly happy person is one who can enjoy the scenery on a detour.

V

July 1 - 7, 2007

~~Picture-istic~~


U

June 24 - 30 , 2007

T

June 17 -23, 2007

~~Ha-quote~~
No Fear Underwear
Got the balls for it?

S

June 10-16, 2007
~~Ha-quote~~
Roses are red, violets are blue
Monkeys like you should be kept in zoo
Don't feel so angry you will find me there, too
Not in a cage, but laughing at you.

~~Blessings~~
6/10/07 spaghetti
6/11/07 Red Ribbon banana cake & empanada (kudos to Consuelo Pajaro)
6/12/07 glass parasol ('yung payong na inilalagay sa basong may juice)
6/13/07 ideya ni Camille na i-extreme makeover ako & ihanap ni Joachim ng boyfriend ^^;

R

June 3 - 9, 2007
~~Blessings~~
6/3/07 Spiritual Formation Weekend
6/5/07 bisita kay Tippie, langka, nakahiram ng Michael V The Bubble G Anthology & Stainless Longganisa, black devil bean bag

Q

May 27 - June 2, 2007

~~Dialog Distance~~
6/1/07
Mutts by Patrick McDonnell
Dog A: So if someday our caterpillar friend turns into a butterfly, how will we recognize him!?!
Dog B: by his smile
~~Blessings~~
5/28/07 Great Teacher Onizuka live, Getbackers marathon, tawag ni Marites, napanood ang video ng Time-in
5/29/07 nakakita ng 26-wheeler truck, si Sheena - ang artista, Sprite
5/31/07 Chickenjoy leg
6/1/07 Chowking sweet & sour pork, Spiritual Formation Weekend
6/2/07 Spiritual Formation Weekend

P

May 20 - 26, 2007

~~Overheard~~
Radio Commercial: la le li 'lul, ba be bi bobo, ga ge gi gago, ta te ti tado

~~Blessings~~
5/20/07 nakahiram ng Dvd player kina Carol, turon & suman
5/21/07 Selecta 3-in-1 ice cream
5/22/07 treat ni Sheena sa Pancake House: tendeloin steak, mashed potato, halu-halo
5/24/07 Fushigi Yuugi OVA marathon
5/25/07 Fushigi Yuugi OVA marathon
5/26/07 Fushigi Yuugi OVA marathon, Getbackers marathon

O

May 13 - 19, 2007

~~Palitra~~
Parody nila Aya sa Health Teaching sa Strategies in Health Education

Do Do Do Da Da Da Parody
paghuhugas ng kamay, ginagawa

para maiwasan ang pagkalat ng germs
tanong ko sa 'yo, handa ka na ba?
yayain mo sila, tayo'y magsimula
tanggalin na ang borloloy, tara na

a do do do a da da da a ha ha
a do do do a da da da a ha ha

buksan ang gripo sa may lababo
gawing maligamgam ang tubig na ito
basain mo na ang 'yong kamay
lagyan ng sabon ang mga palad
pabulain ito, sige lang

a do do do a da da da a ha ha
a do do do a da da da a ha ha

kuskusin ang mga singit ng mga kamay
pati mga daliri, sige lang

a do do do a da da da a ha ha
a do do do a da da da a ha ha

babanlawan, patuyuin, tapos na

Blessings
5/14/07 taho
5/15/07 100 sa isang quiz sa Nutrition, 94 sa latest quiz

N

May 6 - 12, 2007

~~Blessings~~
5/7/07 pinapanood kami ng Patch Adams sa Microbiology & Parasitology
5/10/07 nanganak ang pusa naming si Forte (4)
5/11/07 nakahiram ng Bates' Guide to Physical Exam
5/12/07 Shooting ng Pedro Penduko sa Central Colleges of the Philippines (nasa hagdan si Matt Evans); hipon

~~Ha-quote~~
Victoria Suites
When flowers aren't enough on Valentine's Day.

M

April 29 - May 5, 2007

~~Ha-quote~~
Nakaka-relate ako sa quote na ito. Mayroon kasi akong balak isulat na kwento pero hindi ko maituloy. 'Yung babae, napamahal na sa lalaki. Isang araw, umalis 'yung lalaki & nag-iwan ng note. Isa raw siyang anghel (hindi siya namatay) at kahit nasa langit na siya, babantayan pa rin niya 'yung babae. Parang 'kung kailan mahal na mahal mo na 'yung isang tao at naging parte na siya ng buhay mo, saka ka niya iiwan'.
Everything happens for a reason. People meet for a purpose and not just for nothing. People come and make you happy. Eventually they will go and the rest will be history. Because no matter how wonderful a thing is, it indeed has an end. - Joachim Candelaria

~~Blessings~~
4/29/07 kakaibang kikiam; natapos ko na ang unang Getbackers Dvd; Getbackers marathon episodes 21-25
5/2/07 nakapulot ng Faber Castell mechanical pencil leads; SHE quiz 12/15 & 18/20; nakahiram ng Simpson's Forensic Medicine
5/4/07 nakabili ng Fundamentals of Nursing (Kozier) - P750 (may gupit na isang page)
5/5/07 mais

L

April 22 - 28, 2007

~~Ha-quote~~
Galing ito sa survey na ipinost ni Kristina Fe Mendoza
Kung meron kang gustong sapakin ngayon, sino 'yon?
naku.. ung mkakapal ang muka pra lalong kumapal
Saan mo gustong magpakasal?
sa ilalim ng dagat..