Thursday, April 27, 2006

L

April 23 - 29, 2006

L is for Lesson
4/24/06 May daga raw sa loob ng kotse namin. May ngumatngat kasi sa mga boat tarts na naiwan sa kotse. May ngumatngat din sa journal ko. Moral lesson: 'Wag mag-iiwan ng pagkain sa loob ng kotse.

4/24/06 Nag-brownout sa CAS faculty room. Mainit sa loob kaya sa corridor kami tumambay. Nagkwentuhan kami ni Prof. E. Bautista.

L is for Laglag
4/25/06 Pagkaakyat ko ng gamit ko sa CAS 407, bumaba ako papuntang faculty room. Nakakita ako ng isang violet furball. Natanggal siguro sa panali sa buhok. Kinuha ko & pinaglaruan. Pet ko raw 'yon sabi ni Shina. Violabola.
Technical Writing. Nagkalamat ang salamin ng relo ko nang mahulog ito sa sahig. Buti na lang & hindi nabasag ang buong salamin.
Hapon. Umakyat kami ni Joachim sa 4th floor dahil ipapakita ko sa kanya ang mga kuha namin sa barangay. DLBig Event. Lufet! Naka-post ang pictures ng group 1 & 2, & ng Culminating Activity sa bulletin board ng AHSE sa mini-hospital sa ED 411. Pagkababa namin ng hagdan sa junction ng Education & CAS sa 3rd floor, may nakita kaming mga naghahabulang pusa. Sa pagtakbo ng isang pusa, nabangga ako nito sa kaliwang binti. Masakit. Parang tinamaan ng natumbang stool na kahoy tulad ng nakikita sa 3rd floor ng Education. Parang sinuntok. Hindi naman ako nakalmot. KInabukasan, tinanong ako ng gwardiya kung ano na ang nagyari sa akin. Sabi ko, masakit pa rin kahit hindi ako nakalmot. Tumatakbo raw ang mag pusa & naghihigante dahil dina-disect namin sila.
L is for Long Time no See
4/25/06 Nakita ko si Nicolette sa SM Supermarket. Sa Manila Doctors yata siya nag-aaral. Namimili siya ng ingredients para sa Nutrition subject nila.
L is for Laman
4/25/06 Nakakita ako ulit ng dragonfruit, ngayon - bukas na. Parang translucent white na may black dots 'yung laman.
L is for Labo
4/25/06 Nakita ko si Boy Labo the bagger (hindi ko alam ang pangalan niya - wala naman kasing ID, e).
L is for Lavita
4/26/06 Nakakita ako ng Hyundai Lavita. ang Korean version ng Hyundai Matrix. Medyo iba 'yung likod ng Lavita sa Matrix.
L is for Lufet!
4/26/06 List of grauates ng CCSS. Hanep ang pangalan ng isang ito. Ang dami! Ulysses James Clark Kent Nino (Ninyo) R. Reyes. Bago ko makita ang pangalang ito, mahaba na sa akin ang 3 pangalan tulad ng Ann Karen Phoebe. Ito naman, kakaiba: Marie Khadija Xynefi Purificacion.
May bagong bus ang UE. UE Technobus daw ang tawag dito. Instant travelling ad dahil nasa body ng bus ang mga achievers & topnotchers: Nielsen, Almoradie, Matriano, Cruz, Mariano, Gonzales, & Camacho. Nasa kabila naman ang Warriors now & then.
L is for Lawn
4/26/06 Gabi. May kambing sa tabi ng covered walk ng PEATC (toll gate sa coastal road). 'Yun daw ang taga-tabas ng damo doon.
L is for Likod
4/27/06 May sticker sa likod ng PUV: Tax ng ina mo!
L is for Laway
4/28/06 TLC - Tulo Laway si Classmate Technical Writing. Natulog sa teacher's table 'yung kaklase kong lalaki. Sinabihan ko siya na umalis sa table & baka dumating na 'yung prof. Nang iangat ng kaklase ko 'yung ulo niya, tumulo ang laway niya. As in kita mo pa 'yung trail mula sa table hanggang sa bibig niya. Ewww.
L is for Lonely
4/28/06 Ibinigay na ni Joachim 'yung mga sagot niya sa autograph ko. May kasama pa ngang Cadbury Chocolate bar, e. Nag-aalinlangan pa nga raw siyang ibigay sa akin 'yon dahil ang alam niya, hindi ako kumakain no'n. Nagdaldalan kami, as usual. Nabanggit ko 'yung tungkol sa problema sa shooting & sa section A. Hindi raw kasi ako friendly. Maiintindihan mo ba ang isang bagay kung hindi mo ito naranasan? Naintindihan naman niya na magkaiba kami kaya hindi na niya ipinilit kung ano ang gusto niyang gawin ko. Naiyak ako. Ewan ko ba. Baka dahil nainis na naman ako sa sarili ko - kung bakit ako ganito. Sabi niya, "don't tell me, you're crying?" 'Pag nasimulan ko nang umiyak, mahirap nang pigilan ang pagdaloy ng luha. Naiyak ako sa sinagot niya sa Describe Me.
L is for Lost
4/29/06 Hindi ko napanood ang 2 laban ng 7 Sisters. Hindi ko na makikitang maglaro si Justin. T_T
~~Blessings~~
4/28/06 Cadbury chocolate bar, sagot ni Kim sa autograph, Let's Get Together Now mp3
~~Ha-quote~~
Eto 'yung sagot ni Kim sa tanong na Describe me sa autograph.
A tell tale kind of person which I truly perceive as unflattering, ungainly & not facetious. But you are a kind of person who has always something to say & able to relate something interesting, a person who is always willing to listen, who admits her mistakes, who doesn't flaunt any hubris (pride) & make other people to feel insecure, you are not phoney (not genuine), a forthright person, who is genuine in & out which is truly admirable.

K

April 16 - 22, 2006
K is for Kita, Kausap
4/16/06 Kasama si Justin sa palaro ng barangay namin. Akala ko Semi-Sisters ang pangalan ng team niya. 7 Sisters pala. Pangalan daw 'yon ng gang sa kanila, sabi ni David. Kasi kung Semi-Sisters, kabadingan na naman. May parada raw ng players. Sa panggitnang kalye lang sila dumaan papuntang basketball court. Sinitsitan ko siya, pero hindi ako narinig. Nagpagupit pa ang kumag. Dahil ba sa laro? ^^; Green & yellow ang jersey ng 7 Sisters & white na plasti-cloth 'yung letters. 9 ang number niya. Sumunod ako sa court. Nilapita ko siya nang magsimula ang break dance. 'Yun pala 'yung nakikita kong nagpa-praktis sa Remedios St. ...TO BE CONTINUED
K is for Kakatamad
4/17/06 1st day ng summer classes. Wala pang tao sa SFC 312 (wala o hindi ko lang sinipat) kaya naglakad-lakad muna ako. Nakita ko sina Marc, David, Ralph, Billy, & Jed sa 3rd floor ng Education. Magsa-summer din sila. Sina Marc & David, literature. Si Billy, algebra. Si Ralph, algebra & statistics. Si Jed, botany. Sinamahan ko sina Marc & David. Bagong gupit si David. Wala na ang Einstein hairdo niya. Baka ayaw lang magsuklay. Ang hari ng metal, hindi nagsusuklay... Magkaklase sila ni Marc sa Literature. Sabi ni Prof. Ang, dapat 6 units daw ang kinuha ni David para hindi siya lugi sa miscellaneous. E, siya ('yung prof) naman daw ang may kasalanan kung bakit nagsa-summer ang nauna, e. Inaway raw siya ng gwardiya sa Gastambide gate. Naka-civilian kasi siya (dark blue shirt, shorts, & rubber shoes na nasa loob ang sintas). Parang ayaw siyang papasaukin dahil naka-civilian siya. Pagpasok niya sa gate, sinundan pa raw siya. Sabi ng sinundan: Ano, suntukan? Saktan mo 'ko, demanda kita. Rest day pa raw ngayon. Tumambay lang kami sa hagdan. 2 pa lang ang kaklase nila sa classroom. Umuwi na rin sila pagkakuha ng form ng transcript.
K is for Kakaasar
4/17/06 Naipasa ko na sa DRRM window 5 'yung form 137 ko. Parang hindi sa II galing dahil sobrang ayos. Pumunta ako sa window 2. Ipinasa ko 'yung form ng honorable dismissal & transcript of records. Itinanong ng personnel kung bakit ako naka-uniform. Sabi ko, nagsa-summer ako. Bumalik ako sa faculty room para kunin 'yung resibo. Pagbalik ko doon, sinabi sa akin ng personnel na hindi nila pwedeng i-process 'yung transcript dahil enrolled ako. Tang ina! Bakit pinabalik pa niya ako? Dapat sinabi na niya na hindi nila gagawin dahil enrolled ako in the 1st place. Ayaw na ayaw kong pinagmumukha akong tanga. Nagpagod pa ako, gagaguhin mo lang pala ako. Hayup!
K is for Kadiliman
4/18/06 Gabi na. Gusto kong hanapin sa Yam sa 5th floor para ibigay 'yung cd. Patay na ang ilaw sa 3rd, 4th, & 5th floor. Umakyat ako sa 5th floor. Sarado na ang steel door sa 3rd & 5th floor. Pumunta ako sa 5th floor. Bukas pa ang AVR. Nilakad ko hanggang sa kabilang hagdan. Sarado rin ang steel door. Dumaan ako sa may Dentistry. Sarado rin. Napaisip tuloy ako kung saan saila nagklase &
kung nasa 5th floor pa sila, saan naman sila dadaan pababa kung wala nang elevator? Maaga pala silang pinauwi. Tanga ko talaga.
K is for Kwento
4/19/06 Nagtayo raw ng marriage booth ang mga taga-legal management. Hinila raw si Prof. Reyes para ikasal sa isang player. Iba raw ang gusto niyang pakasalan sa marriage booth. Itinuro niya ang estudyante niya. Hindi raw pumayag dahil kasama ang girlfriend niya & hindi nito alam kung kanino siya ipapakasal. Minsang nagkita sila, sinabi ni Prof. Reyes sa estudyante niya na hindi siya nito
pinakasalan. Hindi raw kasi alam nung estudyante.
K is for Kain
4/19/06 Sabi ng nanay ko, may pupuntahan kaming party sa isang condominium. Nagpalit lang ako ng red blouse, pero uniform pa rin 'yung palda ko. Sa 9th floor 'yung party - sa garden. May fountain sa isang side. Perfect place para sa party. Candlelight dinner. 'Yung mga kandila, nakalagay sa glass & 'yung glass, nakalagay sa bakal na stand in ascending or descending order na paikot. Catered 'yung party. Syempre, may mga waiter. May mga anahaw & anthurium din (halaman). Kandila talaga ang pailaw sa buong garden. Si Mel ang celebrant. Gumraduate ng doctoral. Sabi ng tatay ko, hindi masarap ang pagkain. Sa akin, ok lang. Pagkain pa rin naman 'yon, at saka libre. Nakakain na rin ako sa wakas ng pastel. Mayroong kakaiba sa pastel na 'yon na parang maliit na singkamas - bilog & juicy, pero hindi mushroom. Nabusog talaga ako. Hindi nga ako makahinga, e. Mayroon ding banda. Nainggit ako dun sa vocalist. Sana makakanta rin ako sa mga party o kasal. Umalis kami ng tatay ko sa mesa namin. Hindi kami masyadong papansin dahil kumakain pa 'yung iba pang bisita. Nagpunta kami sa poolside. Ang ganda ng tanawin. Open air kaya kita ang mga bituin. Humiga ako sa lounge chair. Tiningnan ko 'yung ibang floor mula sa poolside. Naalala ko tuloy 'yung isinusulat kong kwento pero matagal nang pending. Paano kaya kung sa balkonahe nag-dinner sina Midake & Takeshi - kilig kaya? Isinayaw kasi ni Takeshi si Midake tapos, hinalikan niya si Madake & maya-maya, lumayo para ayusin ang mesa. Maya-maya rin, nakatulog na ako. Ginising ako nung paalis na kami. Thank you sa pagkain & ambience. 'Yun nga lang, hindi ako nakapasok sa condo unit ng celebrant. T_T
K is for Kita
4/20/06 Nagpagupit si Charissa. Shoulder-length na ang buhok niya. Suot na naman ni Yam ang common university uniform. Naninibago siya dahil walang bulsang saksakan ng kamay.
Nakita ko na rin ang plate number ng Nissan Frontier Titanium ni David. ZBV 544
May friendster account pala ang kumag. Ang lupit ng testimonials niya. Eto sampol:
david i love you... crush na crushkita minsan nga napapanaginipan kitakasi kamuka mo si ate mo wahahahalol!! turuan mo ko mag drumms sabikasi ng ate mo may drumset na kayo angyabang nyo naman!! gwapo ka kaso medyosuplado kayata?? kasi di mokopinapansin cute naman ako.. david angsarap mong i kiss kaso suplado ka..ako ang may crush sayo totle.. maybibigay ako sayong drumms tab gusto kopag aaralan mo para luvs na kita...sige na natatae nako

naalala ko nuon si david nung bata pasya lagi syang umiyak... may masabilang!!! tandaan mo david kapag angkwago ay umiyak wag kang mag tatanimng lata dhil sisipain ka ng mgalanggam, at saka isipin mong mabutikung ilang beses tumatalon ang mgapakong de kwatro at kung panonaglalaro ang mga damit mo sa kabinet,pero wag mong kalilimutan ang mgaeroplano ay naiihi rin. sasabog angtsinelas mo kapag naamoy nya angkutsyon... ok ba ha?? wag na wagkakain ng bayabas tae moy titigas dugona ang pwet di parin lalabas.hsbviygrwvyscblhibclhbclhibclhabcliybceliybaclIBADCLIY (may madagdag lang)wag kalilimutan ako si totle dabukol!!! ok ba bukol?????
Ang kulit din ng isa niyang picture. Akala ko hybrid nila ni Justin. Mukha siyang bata kaya hindi naniwala 'yung mga bata sa sementeryo na kaya niyang i-drive 'yung kotse niya. Asset niya ang
ngipin niya. Believe me.
Photobucket - Video and Image Hosting
K is for Kilig, Karen
4/20/06 Napanood ko na rin nang maayos ang episode 8 ng To Heart. Astig talaga. Napanood ko na rin ang Karen Quinlan ng DLA. Congrats sa grupo ni Daryl. Lufet mo, Daryl! Parang Jesus Christ hairdo mo.
K is for Kakaiba
4/16/06 Nakakita ako ng dragonfruit sa SM Supermarket. Mukha talagang dragon. Parang puso ng saging na may overlapping violet red husks na may green outlines.
K is for Kakaantok
4/20/06Technical Writing. Umupo si Stiv sa sahig & sumandal sa likod ng armchair ni Mona. Nakakaantok daw kasi. Magdala naman daw kami ng unan o kumot sa susunod. Minsan, sinabi naman niya na para raw Ibong Adarna 'yung prof namin sa Technical Writing. Inaantok daw kasi siya 'pag nagsasalita si sir.
~~Blessings~~
4/17/06 nakausap sina Marc & David
4/18/06 nakausap si Daryl
4/19/06 kwentong marriage booth, mocha & chocolate ice cream, condo trip & garden party
4/20/06 nakausap sina Yam, Charissa, & Kristal, naisulat plate number ng NFT: ZBV 544 , nakita ko ang friendster account ni David, To Heart episode 8, Karen Quinlan Play ng DLA

Ceasefire!

wala lang

Our Favorite Inspirational Quote is "Hindi Naman tayo nagpapalakasan dito ah!! Eh ano kung masmatigas ang titi mo sa Titi ko!" -Mr. Jay Durias our beloved P.E. Teacher.

"Anak ng tokwa, ang kakapal ng mukha! Hindi naman magagaling ang iingay boses lalake naman! Huwag naman ilabas ang talent, Makes your life easier, sobrang fighting PILIT, BIRO lang ha, kadiri ka! Wala pa bang ganyan sa APARI!! -Master Henry

"Are you stupid, wat is VERB, don't mind other papers!, Mr. Beltran pakibaba naman ang Aircon please!" -Super Model Gretz a.k.a Bella Flores

J

April 9 - 15, 2006

J is for Just Time
4/11/06 Bumalik ako sa II para kunin 'yung transcript ko noong high school. Nakita ko sa loob ng registrar's office sina Mrs. Oestreich & Mrs. Villanueva. Nag-usap kami ni Mr. Vina (Vinya) tungkol sa transcript. Nakalimutan ko na nga 'yung section ko noong 4th year, e. Hindi niya na ako kilala. Teacher ko siya sa HE noong 1st year high school. Sa Lunes ko pa raw makukuha.
Nagbara ang catheter ng lola ko. Pinalitan ng lolo ko ng urine bag. Dumaloy na 'yung weewee. Pero sabi ng lola ko, kung marunong daw akong magpalit ng catheter, palitan ko na. Tinawagan nil ang tita ko para hingin ang instructions. Siya kasi ang nagpapalit non kaso nasa opisina pa siya & umaga pa. Ok na sana pero nang il-lock ko na 'yung catheter gamit ang sterilized water for injection, natusok ko ng injection ang y-tube. Inulit ko ang procedure. Nasayang ko ang supply. Naitapon ko pa 'yung lumang injection para sa susunod na pag-a-unlock. Nagkalat na naman ako. >_<
~~Blessings~~
4/9/06 nakausap nang matagalan si Rieza & si Marivic (kapitbahay)
~~Ha-quote~~
Mahirap magmahal ng bago…
Darating panahon
Maalala mo 'yung unang minahal mo…
Sino bang dapat?
'Yung san miguel na astig kung tumama…
O 'yung red horse na swabe kung sumipa?

I

April 2 - 8, 2006

I is for Idiot
4/04/06 Ayaw umandar ng electric fan namin sa sala. Naka-on ang electric fan sa 1. Itinulak ko pataas 'yung cord sa ilalim ng stand. Nakuryente ako. Masakit. Idinikit ko pa sa yelo ang hintuturo ko para mamanhid.

~~Picture-istic~~

H

March 26 - April 1, 2006

H is for Health Ethics Departmental / Huli
3/30/06 Natapos na ang final exam sa Computer. Shift from hands-on to written exam na may identification & matching type. Ipinasa ko na rin 'yung mga stocks ko ng fruitflies. Naawa ako sa birth certificate ni Justin. Original ba 'yun? Blue 'yung tinta & 3/4 lang ng long bond paper 'yung laki. (Ganoon naman pala talaga 'yun. 3/4 lang talaga ang laki n'ya. Ganoon din kasi 'yung kay Angeli.) Umakyat na ako sa hagdan papuntang rooftop. Nag-aral na ako para sa Health Ethics. Hindi ko masyadong naaral 'yung principles. Pagdating ko sa 6th floor, hiningi ng prof 'yung permit. E, naiwan ko sa faculty room. Baba na naman ako. Pag-akyat ko, tinawag na raw ako para mag-exam. Hindi ako pumasok dahil hindi ko naman narinig 'yon. Baka hindi rin ako papasukin. Nag-aral uli ako. Pinapasok rin ako. Nahirapan ako sa test, lalo na sa application ng principles. 76/100 ang nakuha ko. Tiningnan ko 'yung kay Justin. Kamusta kaya test niya? Sabi niya, 71/100 daw. May eksena pang I hate me! I hate me! ang kumag nang makatapos siya sa exam. Pareho pa nga sila ni Kristina ng score. Naks! Soulmates. Nang matapos nang mag-exam ang buong klase, nag-trip-trip na ang mga tao. May hinablot si Jerome kay Justin. May nahulog na puting bagay. Akala ko papel lang, bulsa pala. 'Yung chest pocket. Hinablot pa ni Jerome 'yung iba pang bulsa ni Justin. Nalaslas...TO BE CONTINUED

3/30/06

~~Picture-istic~~



















G

March 19 - 25, 2006

G is for Goodbye

3/23/06 farewell & awarding
G is for Good
3/21/06 Bati na raw si Joachim & 'yung nakaaway niya. Nagyakapan pa nga raw
sila.
G is for Gulp
3/25/06 inuman sessions
G is for Guts
3/23/06 6th floor, POD-CIT. Pinagtripan ni Jerome si Justin. Dinakma niya 'yung ano ni Justin. Nung Genetics naman, dinuraan/nilawayan naman niya si Justin. Kadiri ka, Jerome.
~~Chu-tune Train~~
Hardcore Poetry

It depends on who is looking at the tenement walls
Whether he's coming home or passing through
You can walk the streets and find so much to criticize
But that would be the easy thing to do
'Coz there's beauty in the concrete
If you see it with your heart
The sidewalks only hurt you
If you hate them from the start
THIS IS A SONG NOT NECESSARILY SWEET
I'LL PASS IT ON TO FOLKS THAT I NEVER WILL MEET
AND IF MY WORDS DON'T MAKE HISTORY
JUST CALL IT HARDCORE POETRY
You can blame the world if troubles come
And knock at your door
Let your weakness cut you down to size
If you find some fault with everything surrounding you
Maybe it's your narrow-minded eyes
'Coz there's music in the city
If your ear is to the ground
Only nonbelievers never hear a single sound
THIS IS A SONG NOT NECESSARILY SWEET
I'LL PASS IT ON TO FOLKS THAT I NEVER WILL MEET
AND IF MY WORDS DON'T MAKE HISTORY
JUST CALL IT HARDCORE POETRY

F

March 12 - 18, 2006
F is for Franzen
3/12/06 Your Song: Narda. Iya - Franzen love team ^^; Sabi ng nanay ko, gumwapo raw si Franzen & magaling naman daw pala itong magdrama. Mahaba na ang buhok niya & mukha na siyang tao. ^^;
F is for Fumigation
3/16/06 Nag-pest control daw ang DLA sa adopted barangay nila. Sabi ko, bakit hindi pa isinama 'yung ibang taga-A sa iko-control tutal may mangilan-ngilan ding peste sa kanila.
F is for Fight
3/16/06 Nag-away kami ni Joachim. Ang kulit-kulit kasi, e. Pilit niyang pinapa-burn 'yung Nancy Cruzan nina Yam, e ang dami kong ginagawa. May course paper na, may Existensialist Diary. Uunahin ko pa ba siya? Palibhasa hindi siya ang maaabala. Nataasan ko siya ng boses. Sabi niya, bakit daw ako sumisigaw? Naisip ko kasing titigil na siya kapag sumigaw na ako. Hay naku! Parang bakla kung makipag-argumento. Bakit ako pa raw ang nagalit. Hindi ko naman daw kailangang sumigaw. Nag-sorry rin ako sa kanya. Maya-maya, nag-text sa akin: Sorry kanina, ha? Ganun kasi siya, hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
F is for Foe
3/17/06 Umiyak si Joachim. Sabi ko, mahirap itinatago ang sama ng loob. Gusto kong makakita ng lalaking umiiyak pero kapag kaharap ko na, hindi ko naman kaya. Inasar daw niya 'yung kaklase niya. Hindi niya alam kung bakit niya inaaway 'yon, e wala naman daw ginagawang masama sa kanya. E, parang nagkahamunan na. Hindi naman niya pinatulan. Malaki raw, e. Pinagsisihan naman niya ang ginawa niya.
F is for First Time
3/18/06 Bumaba ako sa Gastambide. Nandoon na 'yung iba kong mga kaklase. May mga nakasakay na sa likod ng pick-up van ni David. Sabi ni Justin, hindi raw siya sumabay sa akin dahil baka ma-late siya. Nasa likod ng pick-up 'yung mga pagkain & gitara. Isa-isa nang nagdatingan ang mga kaklase ko. Ipinamigay na ni Gaile ang mga ginawa niyang name tags. Nag-volunteer kasi siya na gumawa noon. Grabe, ang laki! Alternating lower & upper case letters pa.Dumating na rin si Prof. dela Cruz. Sabi niya, 'wag magsuot ng puti - pero bakit naka-dirty white siya? Inilabas niya 'yung digicam niya. Picture-picture daw. May mga lalaki sa 'di kalayuan. Nagsi-pose ang mga kaklase kong babae. Hindi ko alam kung kinunan ba sila o hindi. Tumugtog si Kristina ng Same Ground. Nakikanta ako, si Arianne & iba pa. Sinabi ulit ni Yam amg mga paalala. Class picture daw. Nagtago si Yam sa likod ng isang van. Nagtago naman ako sa likod ng puno. Nakita nilang nagtago ako kaya pinilit nila akong lumabas. Pumunta ako sa likod para hindi ako makita sa picture. Dinala na ng iba ang mga mga gagamitin. Si Kristina lang ang may dala ng videocam. 'Yung iba, digicam ang dala. Iniabot ko kay MC 'yung mga pink na cartolina na dala ni Kristina. May mini playground sa yard. May iniikot na tic-tac-toe. Mayroon ding mgas laruang Little Tikes (plastic slides, etc.). May pusa sa playground na pinangalanan kong Ernest. TO BE CONTINUED...

~~Picture-istic~~
Soichiro the Dog

E

March 5 - 11, 2006

E is for E
3/5/06 SM Bacoor. May babaeng may dalang baby na bumaba sa hagdan. Hindi niya siguro nakita 'yung susunod na step kaya nahulog silang dalawa sa stairway landing.
E is for Excel
3/7/06 Computer. Hindi ko natapos ang hands-on exam namin sa Microsoft Excel. Rounding off lang ang hindi ko nagawa.
E is for Emotional
3/7/06 Genetics. Break (forever break naman yata, e). Umiiyak si Marc. Tinext daw siya ng ex niya. Inaasahan niyang magkakabalikan pa sila, hindi na pala. Umasa lang daw siya sa wala.
3/10/06 Niyaya ako ni Justin na tabihan siya habang kumakain. Sabi niya, may sakit daw ang kaibigan ng nanay niya. Parang pangalawang nanay raw niya 'yon kaya kapag na-ospital daw 'yon a-absent daw siya sa klase para magbantay.
E is for Expect the Unexpected
3/7/06 Health Ethics. Pinagawa kami ng assignment: If I were to die 30 days/a month from now. Eto'ng akin...
IF I WERE TO DIE 30 DAYS FROM NOW…
Day 1 I’ll write the final edition of my longest story.
Day 2 I’ll write down everything in my mind.
Day 3 I’ll surf the net all day long.
Day 4 I’ll watch the all the movies I want.
Day 5 I’ll watch the all the movies I want.
Day 6 I’ll rent a gown / watch a play in CCP or a concert in Araneta Coliseum.
Day 7 I’ll call or contact my friends.
Day 8 I’ll visit places where I had been.
Day 9 I’ll have my picture taken in a studio.
Day 10 I’ll stay in a hotel overnight.
Day 11 I’ll practice for my concert.
Day 12 I’ll have a concert.
Day 13 I’ll visit a museum.
Day 14 I’ll visit a zoo.
Day 15 I’ll visit an amusement park.
Day 16 I’ll learn how to cook.
Day 17 I’ll learn how to drive.
Day 18 I’ll learn how to swim.
Day 19 I’ll visit an orphanage / work as a fast food crew member.
Day 20 I’ll write my last will and testament.
Day 21 I’ll open my time capsule and reminisce on my past.
Day 22 I’ll do a general house cleaning.
Day 23 I’ll record my own album / make my own movie or film.
Day 24 I’ll eat my favorite dishes, draw, and / learn how to play the guitar.
Day 25 I’ll thank everyone who touched my life / write the things I want to say to everyone who touched my life.
Day 26 I’ll finish my website and my online diary.
Day 27 I’ll have my open forum with my parents and / friends.
Day 28 I’ll rearrange all my belongings.
Day 29 I’ll complete my encounter journal* and people-to-curse list.
Day 30 I’ll attend a mass, confess my sins to God, and talk to Him the whole day.
* encounter journal – list of the people I meet or get to know in my lifetime
Work like there’s no tomorrow, live like there’s no today. How would we do that?
Kinuha ni Justin 'yung idea sa gawa ko, tulad ng concert sa Araneta Coliseum & 'yung confession - pero gagawin n'ya 'yun sa Vatican, sa santo papa. 'Yung gawa na talagang matatawag mo na astig, e 'yung kay Fatima. Parang ganito 'yun, e: If I were to die 30 days from now, I will stop writing this essay because every minute counts. Ewan ko lang kung 'yon ang ipinasa niya.
E is for Evaluation Revenge
3/8/06 Sociology. May taong pumunta sa classroom & sinabing ie-evaluate namin ang mga professors namin. Sabi ko, it's time for revenge. Natakot si Prof. Carian. 'Wag daw namin siyang paghigantihan. Sabi ko, hindi naman siya kasali sa mga paghihigantihan. Siguradong ibabagsak nila sa evaluation si Prof. Matias.
~~Blessings~~
3/10/06 sopas
3/11/06 nanganak ang pusa naming si Tagpi
~~Ha-quote~~
'Pag nakita kitang ginagago ng iba
Hindi ako iiyak
Hindi ako magmumukmok!
Lalapitan lang kita, yayakapin sa harap nila, sabay sigaw
"'Tang ina nyo! Abnormal na nga 'yung tao ginagago n'yo pa!"

D

February 26 - March 4, 2006
D is for Don't cha
Hangover ng Shooting
2/26/06 Paano ko namang makakalimutan ang shooting namin sa Health Ethics kung lahat ng bagay ay nagpapaalala sa akin tungkol dito? Umakyat ako sa 3rd floor ng SM Bacoor para humanap ng USB cable para sa videocam. Don't cha ang playing song sa Hurricane, na siya namang background song ng bloopers namin. Sa department store & sa ASAP '06, Ligaya ng Eraserheads naman ang kanta - na siya namang tugtog sa bahay ni Ralph nang nagshu-shoot kami. Sinasabayan pa nga ni Justin 'yung kanta: 'di ako manyakis tulad ng iba... (talaga lang, ha?)

D is for Dakdak
2/28/06 Talk with Pitchie. Tinanong ko kung nagka-boyfriend na siya & na-in-love. Oo raw, pero break na sila. Dati raw niyang kaklase 'yon & ilegal ang relasyon nila. Minsan daw, nagkaroon ng party. Nandoon daw sila pareho. Kinukulit daw siya nung lalaki. Naasar 'yung isang lalaki & pinagbantaan 'yung nagungulit na ipupukpok sa kanya ang gitara. Nang mag-CR daw 'yung lalaki, uminom ng isang shot si Pitchie. Ayaw raw kasi nung lalaki na uminom ang huli ng alak. E 'di raw agad naalis ang epekto sa kanya. Namula raw ang mukha niya. Tinanong ko rin kung hindi ba nakaka-istorbo sa pag-aaral ang pagbo-boyfriend. Hindi raw. Masarap daw ang feeling ng may boyfriend dahil nararamdaman mo na may nag-aalala & nagke-care sa 'yo. May tagadala ng bag? Oo. Marami raw nakaka-crush sa kanya. Sabi niya, inaway raw siya ng isang babae dahil ang crush ng babaeng 'yon ay may crush kay Pitchie. Hindi raw siya magkaka-crush sa isang tao kung wala itong crush sa kanya. 'Pag nagka-crush daw sa kanya ang isang lalaki, nagiging crush na rin niya 'to. May bago raw siyang crush, Zervon ang pangalan. 6th degree relative n'ya raw. Una yata silang nagkita sa isang resort. Sabi ni Pitchie, nai-love daw ito sa legs niya dahil naka-shorts siya noon. Minsan daw, hiningi 'yung number niya pero hindi n'ya yata naibigay. Nang malaman daw ng tatay niya na may gusto si Zervon kay Pitchie, nag-iba yata ang pakikitungo ng tatay niya kay Zervon. Minsan daw, nasa loob siya ng kotse, dumaan daw si Zervon & tinanong kung sino ang nasa kotse. Nagkatinginan daw sila. Sana raw bumili siya ng barbeque, ewan ko kung bakit. Kahit ano raw ang hitsura ng lalaki, basta napapatawa siya - ok na. Itinutukso raw ni Rachelle si Justin sa kanya. Hindi naman daw niya gusto. Tatanung-tanong ako ng tungkol sa jowa, parang tapos na akong mag-practicals sa Genetics. Hindi naman ako nakalimot. Nag-aral na ako ulit nang tawagin si MC. Nakakatuwa talaga 'pag nakakakwentuhan mo ang mga taong 'di mo akalaing makikipag-usap sa 'yo.

D is for Diasappointed
2/28/06 Nadisappoint ako sa nakuha kong grade sa practicals namin sa Genetics. Akala ko mataas ang makukuha kong grade, hindi pala. 85 lang ang nakuha ko. Dahil ba may konti akong kodigo? Dahil ba nakalimutan ko 'yung elongation nang ipaulit niya? Buti pa si Justin, 95. At si David, 90.

D is for Do-hair (Hairdo)
2/28/06 Astig ang hairdo mo ngayon: Wilmer & Justin (ganggu yata, 'to)

D is for Dugas
3/2/06 Potah! Kakapurga na 'tong sangkatauhan! Tuwing may gagamitin akong bagay, may aagaw - sila ang gagamit. 'Tang ina n'yo! Ang susugapa n'yo! Tapos 'pag hindi mo pinagbigyan, sasabihan kang madamot. Hah! Look who's talking. Libingan na lang ang pag-agawan n'yo. Lagi n'yo na lang akong inaagawan & sinasapawan. Mamatay na kayo! Amp!

Parang nagliliyab ang nguso ko. Kiss-deficient kasi. ^^;

D is for Danger
3/2/06 Aguinaldo Highway. May tricycle sa likod ng kotse namin. Wala itong ilaw, reflector o reflectorized sticker para makita sa dilim. May mabilis na kotseng paparating galing sa kabilang lane. Sabi ng tatay ko, nahagip & tumilapon daw 'yung tricycle driver. Sana naman, hindi namatay 'yung driver.

D is for Duyan
3/1/06 Gabi. Sa faculty room. Lumindol. Para kasing may umuga sa lamesa habang nagsusulat ako. Bumalik si Joachim. Hindi siya naniwalang lumindol. First time kong makaranas ng lindol na aware ako.

D is for Drama
3/3/06 Mrs. Cabanes cried.

~~Blessings~~
3/2/06 92 pa rin ang grade ko sa Statistics.

~~Picture-istic~~
Tsubasa

C

February 19 - 25, 2006
C is for Chase
2/20/06 Ang laki ng ibinaba ng grade ko sa Political Science. From 94, naging 86.55 na lang. Hindi kasi ako nag-aaral, tapos puro essay pa naman ang exams. Mahina ako sa essay. Nakakalimutan ko agad 'yung mga dapat tandaa. Magreview ba naman 1 oras bago ang exam, e wala talagang mare-retain sa utak ko. Tapos 'yung mga kumag na kaklase ko (tulad ni Justin), e masaya - nagbubuklat ng libro. Sabi n'ya masyado raw maluwag ang prof kaya natukso daw siyang mangopya. Oo, mataas ang nakuha niya. Akala ko nga mas mataas pa sa akin ang midterm grade niya, buti na lang hindi. Talagang hindi nagwawagi ang kasamaan. Akala ko matataasan din ako ni Gaile, hindi naman pala. Mag-aaral na nga ako. Basta, malinis ang konsensya ko - hindi ako nangopya.
C is for Chat
2/22/06 Nag-usap kami ni Camille. Kung anu-ano lang. Ang naaalala kong napag-usapan namin, e kung kailan siya nagsimulang magyosi.
C is for Cease
2/22/06 Yume ni Notte is dead, pero kahit papaano, na-grant na 'yung request ko bago magsara 'yung site - Sotto Chikau Shunkan ng Hyper Speed Grandoll. Thank you, Yume ni Notte.
C is for Charot!
2/24/06 Kuntodo pa-gel pa si Mati, akala mo nagmukhang lalaki. Akala ko tuloy kasama siya sa mga ushers & usherettes.
C is for Class Invasion
2/22/06
C is for Cine
~~Blessings~~
2/21/06 nanganak ang pusa naming si Forte
~~Chu-tune Train~~
PAANO KUNG MALAMAN MO
Composer / Lyricist: Marizen Yaneza - Soriano
Vocals: Kristine Bernadette Petilla

Kay ligaya ko sa tuwing kasama ka
Bawat saglit ayaw ko nang matapos pa
Kay tagal na rin itong aking damdamin
Iniingat-ingatan ko na sana'y 'wag mong mapansin

Chorus:
Paano kung malaman mong ako'y nagmamahal sa 'yo
Ang puso ko'y nangangamba
Pagka't alam kong may mahal ka nang iba
Ayokong mabigo, kung 'di rin lang magtatagpo ang ating puso

Kay tagal na rin itong aking damdamin
Iniingat-ingatan ko na sana'y 'wag mong mapansin
Chorus
Inaamin kong ako'y nasasaktan
Pinapangarap ko rin
Na sana ako ang 'yong mahal

Chorus
Ayokong mabigo
Ayokong masaktan
Paano kung malaman mong ika'y aking mahal
Paano kung malaman mong...ikaw

B

February 12 - 18, 2006

B is for Battle
2/15/06
Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 3
Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 4

~~Picture-istic~~

Karen Quinlan Group. Seryoso po kami.


A

February 5 - 11, 2006

A is for Anga
2/06/06 PE. Volleyball practice. Pinagalitan ako ng prof namin dahil nagsusulat ako. Tanga ko rin & malaking notebook pa ang inilabas ko. Prof. Mariano: Ano bang subject mo ngayon? Kung ayaw mong sumali, 'wag ka nang pumasok.Naiinip kasi ako. Wala akong magawa, kaya nagdasal na lang ako. Ikakamatay ko ang pagkainip. Hindi ko kayang mabuhay nang walang ginagawa.

A is for Ayan!
2/08/06 Political Science. Sabi ni Gaile, tahimik daw siya sa bahay. Sabi ko, "So this is your outlet" (school). Oo daw. Sa labas daw siya ng bahay maingay. Sabi ni Prof. Pinlac, ok lang daw maging maingay, basta ilagay lang sa lugar.
2/10/06 Statistics. Presentation ng graphs. Maingay na naman si Gaile. Sabi ni Prof. Gano, "Si Santiago, ang ingay. Nakikipagsabayan sa nasa unahan."
A is for Aray
2/09/06 Hapon. Biglang sumakit ang ulo ko. Bihirang-bihirang sumasakit ang ulo ko. Pagkauwi ko sa bahay, napagpasiyahan kong bumili ng Biogesic. Tatanga-tanga, nakipaghabulan pa ako kay Snow (aso namin). Lalong sumakit ang ulo ko.
A is for Api Bedey
2/9/06 Birthday ni Yam ngayon. Namigay siya ng donuts & candies. Thank you!
A is for Action!
2/10 - 2/11/06
~~Ha-quote~~
Maganda ang boses mo
Magtiwala ka sa sarili mo.
May talent ka, kaya mo yan.
GIVE IT ALL, GO ON!
'Wag mong itago ang bigay ni LORD!!!
Sige isigaw mo:
BALOOOOOT!!! / TINAPAAAA!